Pagkauwi ng bahay..
Sinalubong agad ako ni Maja.
Maja was our cute little doggie. Binili namin ni Giday. Binili namin siya actually after the break-up.
FLASHBACK
4 Days after niyang umalis sa bahay. (After Break Up)
"Papunta akong manila ngayon. Kakausapin ko si Ate(Landlord ng dorm namin), di na natin itutuloy ang dorm ayusin mo na mga gamit mo at uwi kana kina kuya mo." (Message Sent)
Kahit walang kasiguraduhan(baka nakablocked na ako), nagtext ako kay bea to inform her na iwan na ang dorm.
Maya-maya lang nagreply.
"Sige."
Biglang may kirot na gumuhit sa puso ko pagkabasa ng reply niya. It's been days and weeks na di kami nagkakausap. Aminin ko man o hindi, i badly missed her.
Ibinaba ko ang phone sa kama saka humiga at pumikit saglit. Trying to internalized what i just texted. Maya maya lang ay napabuntong hininga ako at bumangon. I need to prepare in going to manila.
Exactly 12pm. I left Pampanga. I arrived at Manila at exactly 3pm.
As i was on my way to our dorm, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang gustong sumabog. I was hoping na sana wala siya sa dorm(but deep inside me is hoping na andiyan siya).
Pagdating. Nakita ko agad na hindi naka-padlock which means na andiyan siya sa loob. Mga ilang minutes muna akong nakatayo lang sa labas. Then maya maya lang kumatok na ako.
Nagbukas ang pinto, at halatang di sya makatingin sa akin. I also looked away, pumasok at naupo sa sahig.
Silence came between us for a few minutes. Then di na ako nakatiis at nagsalita.
Instead of saying "Kailan ka uuwi sa inyo?", iba ang lumabas sa bibig ko. "Kumain ka na ba?" (Bigla akong nagsisi sa lumabas sa bibig ko at napapalatak nalang.)
"Hindi pa eh." Sagot niya
Bigla akong napatingin sa oras. Past 3pm na hindi pa siya naglunch. Bigla akong nag-alala.
(tingnan mo nga naman iniwan na at niloko nag-aalala parin, iba ka talaga Maya sarap mong untugin). Bulong ko sa sarili ko.
"Tara kumain muna tayo sa labas." Bigkas ko.
Biglang parang sumigla ang itsura neto. "Tara, palit lang ako saglit." Saka ito nagbihis.
Habang naglalakad, panaka-naka niya akong hinahawakan sa balikat at pinupulupot mga kamay niya sa kamay ko. (Siguro namimiss din niya ako kahit di niya sabihin, ayaw ko man umasa pero ganoon ang nararamdaman ko.)
Masaya naman kaming kumakain at nag-uusap na akala mo walang nangyari. Pero paminsan minsan nasasaktan ako kapag hinahawakan niya phone niya at nagrereply siya sa kung sino mang kausap niya. 🥺
Habang pauwi, may nadaanan kaming nagtitinda ng aso at biglang napatitig siya sa tuta. (Ang cute kasi)
"Manong magkano?"
KAMU SEDANG MEMBACA
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romansa"How can something be so wrong, yet it feels so right!"