.
.
.
Time Check.It's already 12am.
Saktong tapos na birthday ko. Tulog na lahat habang ako nakaupo lang sa harap ng bintana ng kwarto ko.
Nagmuni-muni sa mga nangyari sa araw na iyon.
Ang bilis talaga ng panahon.
Nang maalala ko si Arki.
Bigla akong napangiti.
Ang tagal na rin pala noong una ko siyang makilala. That was 3 years ago, year 2017.
Year 2017 din ang mga panahong broken ako at pariwara sa love. Haha!
Napalingon ako kay Bea na mahimbing ng natutulog sa kama.
Buti nalang hindi naging ganoon kalaking issue sa amin ni Arki ang pagstay ni Bea dito sa bahay.
Siya lang ang tanging pinagseselosan ni Arki noon pa man. Anyway, Bea is a bestfriend now and I know Arki understands that.
Bigla akong napaisip kong sino nga ba ibang pinagselosan ko noon kay Arki maliban kay Kiel.
.
.
FLASHBACK
.
.
Noong mga panahon na iniiwasan ko si Arki, dahil nga para sa akin bawal, inilaan pala niya ang oras niya sa pagkakaroon ng crush sa iba.Para madivert na rin attention niya.
Arki was grade 10 that time and the boy was Grade 9. His name is Isaac.
Kakaumpisa lang ng school year nun and student ko si Isaac dahil sa 2nd section siya.
Papasok palang ako sa klase, sinalubong agad niya ako.
"Hi maam! bless po." Nakangiting bati niya. Matangkad siya at cute.
Sa paglipas ng araw madalas niya akong salubungin, mabait na bata at magalang.
That time, i wasn't aware na siya ang magiging crush ni Arki.
Actually si Isaac ang unang nagkacrush at nagcrushback lang si Arki. Haha!
Paano nangyari?
Intrams that time and ako ang napiling maging coach ng volleyball boys. Isa sa mga player ko si Isaac. And Arki was with me that time watching the whole game.
Lingid sa kaalaman ko, nagkakacrush na pala si Isaac kay Arki.
And he started to chat her.
Sa mga panahon na yun, i kept pushing Arki and telling her na hindi siya pwede magkacrush sa akin, kaya unti unti rin siyang umiwas din noon.
Two weeks before yung contest nila Arki sa Hiphop ng Suicide Squad, ng mapansin ko na mga post niya sa twitter about sa crush niya.
Heto mga tweets niya.
----
"Hala parang crush ko na din ata siya.""Nakasalubong ko na naman siya kanina.❤️"
-----
At simula nun hindi na ako masyado chinachat ni Arki dahil nakakachat na pala niya si Isaac.
Nahurt ako na ewan, na hindi na niya ako pinapansin. Eh kasalanan ko din naman kasi nilalayuan ko siya. Haha!
Bigla kong namiss si Arki nun, lalo na hindi na kami nag-uusap hindi pa nagkikita dahil busy rin sila sa practice para sa Suicide Squad.
One time, habang pauwi at nakamotor ako. Bigla kong nasalubong ang grupo nila Arki. Mga naka ebike sila at naka-angkas si Arki sa isa.
Bigla ko siyang nasilayan, bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may umikot sa tiyan ko na parang ewan. Haha!
Hindi ata ako nakita ni Arki kasi hindi siya lumingon. Ouch! Haha.
ESTÁS LEYENDO
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"