Chapter 52

1.2K 52 225
                                    

.
.
Sa paglipas ng araw naging okay naman kami ulit ni Arki.

December 2019.

Naisipan namin ni Arki na mamasyal sa Manila.

Sakto rin kasi inaasikaso ko ang pagpapabook bind ng thesis ko. Ilang kembot nalang gagagraduate na ako sa Masters ko (MaedMath).

Dumeretso muna kami sa school ko.

Halos dalawang oras din kami doon kaya mga afterlunch na kami nagpunta ng Fort Santiago sa Intramuros.

Magkahawak kamay kami na sinuyod ang magandang tanawin ng intramuros. Malakas ang loob eh, wala naman sigurong makakakilala sa amin doon.

Picture dito picture doon. And as usual hindi na naman maayos mga pictures ni Arki. 😂 Kuha niya versus kuha ko na naman ang peg.

"Love sorry." Malambing na sambit ni Arki.

"Hindi, okay lang love. Okay lang talaga." Natatawang pang-aasar ko.

"Ihhhh sorry na, tara kuhanan kita dun." Paglalambing nito.

"Ubos na film love wag na." Pagbibiro ko.

Tawa lang ng tawa din si Arki. Pero may ilan naman na maayos ang kuha kaya carry na din. 😂

"Love sayang ang pose ko." Pagbibiro ko.

"Ihhh tara na nga kuhanan pa kita dun, madami pa magandang background oh." Nguso nito.

"Wag na love sayang ang pose." Natatawang sambit ko.

"Ako nalang kuhanan mo love." Sambit niya.

"Weeeeh talaga ba? papakuha ka picture?" Natatawang sambit ko.

Hindi kasi mahilig magpapicture si Arki. Kaya kung titingnan mo facebook niya, ang mga nakalagay niyang pictures noong elementary pa siya. Haha! Lalo na hindi rin siya mahilig magpost sa facebook.

"Haha syempre joke lang. Aanhin ko mga pictures hindi rin naman ako nagpopost." Natatawang sambit nito.

"Sabi ko nga." Biro ko.😂

Tumawa nalang kami ng tumawa.

Nag-ikot ikot nalang kami at nagbasa basa ng mga kasaysayan ng lugar na iyon at ni Rizal.

Ginabi na rin kami sa pag-iikot.

"Love punta tayo ng baclaran?" Kunway tanong ko.

"Ano po gagawin natin dun?" Takang tanong nito.

"Simba tayo love?" Nakangiting sambit ko.

"Ah okay sige." Na excite na sambit nito.

Around 7pm ng makarating kami ng baclaran.

Walang misa kaya nagstay nalang kami ng 15-30 minutes para sa pagdadasal.

"Anong pinagdasal mo love?" Nakangiting tanong ko.

"Na sana po, di ka na maguilty." Biro nito.

"Haha talaga?" Natatawang tanong ko.

"Joke lang, bawal ipagsabi baka di matupad yung dasal." Natatawang sambit nito.

"Eh ikaw?" Dugtong nito.

"Sabi mo bawal ipagsabi. Sayang tungkol pa naman sayo."Biro ko.

"Ay joke lang pala love na bawal." Natatawang sambit nito.

"Wala, di ko na sasabihin baka di magkatotoo." Biro ko ulit.

"Sige na love please." Sumamu nito.

"Hmmm sabi ko sana tumangkad ka na." Natatawang sambit ko.

Dear my Teacher (Book 2) girlxgirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang