Chapter 47

908 40 245
                                    

.
.
.
October 2019.

Naging smooth naman ang relasyon namin ni Arki. One a week nagkikita kami. Madalas inaantay naming matapos ang klase namin saka kami magkikita.

Every friday kami nagkikita dahil hanggang 4:30pm lang ang klase ko at 4:00pm sa kanya.

Minsan magagalit sakin si Arki kapag nalelate ako, toyoin eh(bata pa kasi).😂 Kaya ang ginagawa ko nagbabaon nalang ako ng damit at nagbibihis nalang sa school para deretso na sa meeting place.

One time, magkikita dapat kami ni Arki pero naharang ako ng mga co-teachers ko at nakipagkuwentuhan saglit.

"Maya, tara kain muna tayo doon sa bagong bukas na store dyan lang sa harap ng school bago tayo uwi."

"Patay." Sigaw ng isip ko.

"Oo nga friday naman at maaga pa." Sambit ng isa.

"Naku, may pupuntahan pa naman sana ako." Sambit ko.

"Saan?" Tanong ng isa.

"Nakuuuu, nakabihis na dapat ako sa oras na to." Sigaw ulit ng isip ko.

"Hmmm may imemeet lang ako."

"Oh sino?" Tanong ng isa pa.

"Takte daig pa ng mga to papa at mama ko sa pagtatanong." Natatawang sambit ko sa sarili ko.

Nagtagal din ng mga halos 20 minutes yung usapan namin na yun bago ako nakatakas. Kaya ang ending late ako ng 20 minutes sa meeting place namin ni Arki.

Pagdating.

Nakita ko na agad na nakaupo si Arki. At nakairap na ang lola niyo. 😂

"Hey." Bati ko.

Di ito sumasagot. Nakairap pa rin.

"Naku tinotoyo na naman." Sigaw ng isip ko.

"Hey love, naharang ako ng mga co-teachers ko eh. Tumakas nga lang ako." Paliwanag ko. Saka ako umupo sa tabi niya at pinisil pisil ang ilong niya.

"Kanina pa ako dito, gugutom na ako." Naka-pout na sambit nito.

"Sorry na." Lambing ko.

"Hmp." Sagot nito.

Nakaisip ako bigla ng kapilyahan.

Hinila ko siya patayo.

"Tara love."

Nagtaka man tumayo parin si Arki.

Dinala ko siya sa CR. 😂

Pagkapasok bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Sorry na kasi. Lablab mo na ako dali na." Lambing ko. Saka ko pinaghahalikan buong mukha niya at niyakap siya ulit. Di ko kasi siya malalambing doon sa dining area ng resto kaya sa CR nalang.😂

Napangiti naman si Arki.

"Ayan sabi ko na eh, kulang lang sa lambing." Biro ko.

"Hmp! pasalamat ka love kita." Umiirap pa rin.
😂

"Haynaku nabilang ko na kung naka-ilang irap ka na." Natatawang sambit ko.

"Sige nga ilan?" Natatawang tanong nito.

"Mga sampu love." Biro ko.

"Grabe ang OA ah." Tawa nito.

"Haha tara na nga baka may nag-aantay na sa labas ng CR." Sambit ko.

Ngumuso muna ito. Nagpapakiss😂

Napangiti ako at hinalikan siya sa labi. Saglit lang.

"I love you!" Sambit ko.

Dear my Teacher (Book 2) girlxgirlWhere stories live. Discover now