.
.
February 29-March 01, 2020 (Leaf year)Nagplan mga co-teachers ko na magpunta ng Baguio, sa Northern Blossom. 2 Days and 1 night lang. Yung Van lang ng co-teacher namin ang gagamitin siya na rin ang magdadrive. Pero konti lang kami kaya kailangang magsama pa.
Kahit medyo nagdadalawang isip kami dahil sa covid19, itinuloy pa rin namin dahil naiplano na. Wala pa namang napapabalita noon na kumalat na ito sa bansa.
"Maam maya sama mo kapatid mo at si Bea." Biglang sambit ni Maam Heiz.
Napamulagat ako.
Tanggap na nila ang pagiging bisexual ko at aware sila na magkaibigan nalang kami ni Bea.
Kung natatandaan niyo, sa kanila ako kumapit at humingi ng advices noong mga panahon na broken ako kay Bea.
Tinanggap din nila si Bea as friend ko at wala namang halong bitterness at galit silang nararamdaman para kay Bea. Ang importante daw nagkapatawaran na at naging mabuti kaming magkaibigan.
Bigla kong inalala si Arki. "Ano na naman kaya ang magiging reactions niya." Sigaw ng isip ko.
"Love?" Chat ko kay Arki.
"Yes love?"
"Love wag ka magagalit ah?" 🥺
"Ano po yun love?"
"Hmm kasi ano..."
"Love wag mambitin please."
"Di ba love nabanggit ko sayo na pupunta kami ng Baguio ng 29?"
"Opo love why po?"
"Kasi love kulang kami. Need ng mga kasama."
"Tapos po?"
"Isasama ko po kapatid ko."
"Oh ano po problem dun love?"
"Pati si Bea po." ☹️
Matagal bago nagreply si Arki.
Kaya nagchat ulit ako.
"Love? Wag ka po magalit please?" ☹️
Maya-maya lang nagreply na si Arki. Pero sad emoticon lang.
"🥺"
Yun ang isa sa problema namin ni Arki. Kapag may mga lakad ako kasama ang mga kaibigan ko, hindi ko naman siya pwedeng isama unlike Bea na kilala na nila. Though kilala din nila si Arki, but as my student lang. Hindi naman pwede isama sa mga lakaran namin ang isang student na tulad ni Arki. 😔
Isa pa rin yan sa dami ng dilemmas na meron kami ni Arki. Kapag may mga family outings din sa bahay, madalas kasama si Bea dahil kilala siya ng pamilya ko at hinahanap siya kapag wala siya kaya naiipit din ako.
Ang hirap din ng ganoong kalagayan na instead of si Arki ang dapat sinasama ko, pero hindi pwede.🥺
Hindi kami naging okay ni Arki ng araw na iyon at nahirapan akong suyuin siya. Mas pinili ni Arki na wag nalang akong kausapin at pansinin. 🥺
February 28 ng gabi ng dumating si Bea.
Dumating siyang mataas ang lagnat.
Nasa bus terminal kami. Sinundo ko siya. Magsusundo pa rin as a friend. 😂
"Haaaay, wag ka nalang kaya sumama? Ang lamig sa baguio ay." Sambit ko.
"Andito na to eh, aatras pa ba ako? Nakakahiya sa mga co-teachers mo." Paliwanag ni Bea.
Inatake na naman kasi ng tonsilitis si Bea.
YOU ARE READING
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"