.
.
"Love alis na kami." Malungkot na paalam ni Arki. Kami lang ang nasa sala at nasa labas sina Chammy at Bf niya.Bigla din akong nalungkot.
"Ilang araw din tayong hindi makakalabas." Malungkot na sambit ko.
"Kaya nga eh. Matagal pa ba maghihilom yan?" Saka nito hinaplos ang sugat ko.
Napangiwi ako.
"Masakit pa nga love, kahit pahaplos lang." Nakangiwing sagot ko.
"Kiss ko?" Malungkot na sambit niya.
"Opo." Sabay tango ko.
Yumuko ito at dahan dahan na lumapit.
Biglang nanindig mga balahibo ko sa legs. Haha!
Marahan lang ang paghalik ni Arki. Hindi naman sa sugat mismo kundi sa part ng legs ko na walang sugat.
"Paano gagaling niyan eh hindi naman yung sugat ko ang kiniss mo?" Natatawang sambit ko.
"Baka mahawa lips ko love." Patawang sambit nito.
Natawa na lang ako at pinisil ang ilong niya.
"Salamat sa pagbisita love. Chat mo ako agad pagkauwi mo ah?" Sambit ko.
"Opo, pagaling ka at wag masyado magkikilos ah." Paalala nito.
Niyakap ko muna siya ng mahigpit at mabilis na smack. Habang wala pang tao. Haha!
"Hindi ko na kayo mahahatid love, di na kasi ako makakatayo." Malungkot na sambit ko.
"Sige po." Sabay yakap nito ulit ng mahigpit. "I love you." Bulong nito.
"I love you more." Bulong ko din.
Nahihirapan talaga ako maglakad dahil nababanat ang sugat ko kaya madalas binubuhat lang ako ni papa at sa baba lang ng bahay ako natutulog.
Araw-araw may mga bisita ako. Mga students and teachers.
Minsan mga groups minsan mag-isa lang.
Kaya nakakatuwa rin na marami din palang nag-aalala. Masarap din sa feeling na marami ang nagmamahal.
Tapos nagpakabaliw lang ako sa isang tao noon at namalimos ng pagmamahal. (Nagdrama) Haha.
"Maam, alam niyo po ba na yung babae talaga ang nagdadrive nung SUV nung naaksidente kayo?"Sambit ng isa sa mga studyante ko na bumisita.
"Huh? Paano mo nalaman?" Taka ko.
"Kasi maam, ako ang tumutulong sa kanya sa practice driving niya minsan. Ang totoo nyan maam nung time na naaksidente kayo nagpapractice siya."
Bigla akong napamulagat.
Pinagbabawal sa village namin ang pagpapractice driving around the area.
"Andoon kasi kami sa basketball court noong time na nangyari ang accident maam, at kanina pa sila palibot libot dun bago pa kayo dumaan." Dugtong nito.
Biglang sumakit ang loob ko.
Ako na ang nasaktan, nasugatan, nadepressed at nagkaphobia. Ako pa ang gumastos sa lahat sa pagpapaggawa ng SUV niya at mga gamot ko.
"Grabe napaka-unfair naman ata ng nangyari." Sigaw ng isip ko. Biglang parang maiiyak na ako.
"Gusto mo maam ilaban natin? magwiwitness po kami. Pati yung pulis na kapitbahay namin maam andoon din, alam niya ang totoong nangyari. Ayaw lang daw niyang makialam kasi hindi siya dito nakadestino." Litanya nito.
"It doesn't matter anymore." Malungkot na sagot ko.
Nakapagbayad na ako at case closed na. At ayokong mahirapan si mama at mamrublema na naman.
ESTÁS LEYENDO
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"