.
.
February 2020.Since it's the Month of Love, papahuli ba kami ni Arki? Haha, nagkita kami ng Valentines Day.
Pero saglet lang kami nakapagkita dahil may program sila ni Arki.
And bago yun nag-away muna kami. Mga toyoin eh. Hahaha!
February 14.
Maghapon kaming hindi nag-uusap ni Arki. Nakalimutan ko kung ano napag-awayan namin nun pero nasakto na Valentines Day kinabukasan. 😂
Around 4pm na ng magchat si Arki.
May binabasa ako nun sa cellphone ko ng may biglang notification sa messenger na "Arki Paras Garcia Sent you a photo."
Pagbukas ko, It's a picture of Arki's palm na may nakasulat na "Pwede ba kitang makadate sa Valentines? - Love"
Heto yung picture.
Shit!
Hindi man ako kinilig guys sobra lang.😂
Shitee talaga. Biglang parang may dumagan sa dibdib ko at nagliparan mga butterflies sa tiyan ko. 😂
"Ayoko." Biro ko.
Maya-maya lang nagsend siya ng sad emoji.
"😢😔"
Natawa ako.
"Haha joke lang love, saan tayo?"
Bago pa nagchat si Arki, balak ko na rin sana siyang ichat nun na sana pag-uwi niya magkita naman kami. May nakaready na ako nun na ibibigay sa kanya.
"Hanggang 5pm pa ang program namin love, baka gabihin na ako, around 6pm po ako makakauwi."
"Eh paano yun love gabi na, baka hanapin ka na nun ni Daddyyow mo?"
"Magkita lang tayo saglit love doon sa kanto, may ibibigay ako."
"Hmm sige antayin nalang kita doon." 😘
Around 6pm nauna akong dumating kay Arki sa kanto nila. May madilim na waiting shed doon.
Maya-maya lang dumating naman si Arki.
Sinalubong ko agad siya.
Grabe andameng dalang gamit. Puno ang bag, may dala pang gitara at roses.
Napangiti ako at mahigpit siyang niyakap. Hinalikan ko na rin siya sa pisngi.
"Love bakit parang dala mo buong bahay niyo?" Biro ko.
"Kulang pa nga yan love eh." Natatawang sambit nito.
Pareho nalang kaming natawa saka na naglakad pabalik sa waiting shed.
Naupo kami.
"Until wat time ka pwede tonight love?" Bulong ko.
STAI LEGGENDO
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Storie d'amore"How can something be so wrong, yet it feels so right!"