.
.
After Breakfast.Habang nasa room kami at nagpprepare para sa pagligo biglang tumawag daddyow ni Arki.
Napalingon si Arki. Parang nagtatanong if sasagutin ba niya ang tawag.
Tumango ako.
Nang sasagutin na ni Arki bigla namang natapos na ang call.
"Bakit kaya tawag ng tawag si daddy." Nagtatakang tanong ni Arki.
"Nag-paalam ka naman right na overnight ka?" Tanong ko.
"Yes love. Nagwoworry tuloy ako bigla kasi hindi naman ako madalas hinahanap ni papa kapag nag-paalam na ako."
"Sagutin mo nalang love kapag tumawag ulit." Nakangiting sambit ko.
Maya-maya nga tumawag na ulit ang daddy niya.
"Nak? umuwi ka ng maaga ngayon." Sambit ng daddy niya. Naka-speaker mode si Arki.
Nang mga oras na iyon, tumitindi na mga balita about sa mga confirmed cases ng covid. Kaya medyo nag-aalala na daddy niya na nasa labas siya mula kahapon.
"Pa baka mamaya pa po ako makauwi." Sagot ni Arki.
"Baka pwede mong agahan nak?" Sambit nito.
"Try ko pa, basta mga afterlunch na po ako makakauwi." Sagot ni Arki.
"Okay sige, mag-iingat ka nak ah." Paalaa ng daddy niya.
"Opo."
.
.
"Wag ka na magworry. Baka nag-aalala lang si daddyow." Sambit ko after ng call nila."Maaga kaya tayo makakauwi love?" Sambit ni Arki.
"Depende love if traffic or matagal umalis ang VAN, pero alam ko mabilis lang ang byahe natin pauwi. Hindi naman tayo gagabihin." Paliwanag ko.
"Anong oras kasi checkout natin love?" Tanong ni Arki.
"Mga 12pm. Gusto mo bang mag-early check out tayo?" Sambit ko.
"Nope love okay lang, sayang ang bayad sulitin na natin." Nakangiting sambit niya. "Hindi naman siguro tayo gagabihin." Dugtong nito.
"Yep love." Sabay lapit ko at yakap kay Arki. Saka ko siya hinalikan sa noo.
.
.
Maya maya lang lumabas na kami.Naligo na kami ni Arki. 12pm pa naman ang check out at mahaba haba pa ang oras namin para maligo at magpicture picture.
Tulad ng nakagawian ako lang ang maraming pictures dahil ayaw niya talaga. Hindi mahilig magpose pose. Haha!
After ng picture taking iniwan na muna namin mga gamit sa may buhangin na malapit lang kung saan kami maliligo.
Walang masyadong naliligo that time, pero may dalawang bata na malapit lang sa amin kasama ang daddy nila.
Nung umalis saglit ang daddy nila at umahon, bigla silang lumapit dalawa.
"Hi!" Bati ng isang bata.
"Hello!" Sagot ni Arki.
"Taga saan po kayo?" Tanong nung isa.
Ang friendly ng mga bata, they are around 8-10 years old.
"Taga-pampanga kami, kayo?" Nakangiting sambit ni Arki.
"Ah nagbabakasyon po kami dito, one month na po." Sagot ng isa.
"Pero?" Tanong ulit ni Arki.
"Taga-Manila po talaga kami." Nakangiting sambit ng isa.
Ako pinapanuod lang sila at nakangiti.
"Sino pong kasama niyo ate?" Tanong nila kay Arki.
"Ah siya." Turo nito sakin.
YOU ARE READING
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"