KINAUMAGAHAN.
Nakapikit ang mata na hinanap ng kamay ko si Arki sa higaan.
Bigla akong napamulat ng mata.
Nagising ako na wala na naman si Arki sa tabi ko.
It's already 7am.
Bigla akong napabangon.
Maya-maya lang iniluwa ng pintuan si Arki.
May dalang breakfast.
Napangiti ako.
Pagkalapag niya sa mesa ng breakfast hinila ko siya at pinaupo sa lap ko.
"Goodmorning." Sambit ko.
Nakangiting itinaas ni Arki ang kamay niya at inilagay sa batok ko.
"Kumusta ang gising?" Pilya ang tanong ni Arki. Haha
"Ikaw ang kumusta ang gising!" Natatawang sambit ko. "Di ka napagod?" Pang-aasar ko.
Biglang namula si Arki. 😂
"Ikaw talaga! Haha nakapagjogging pa nga ako sa labas." Sambit nito.
"Ay grabe ah gumala ka na naman ng mag-isa. Kapag talaga ikaw nakidnap uso pa naman ang white van!" Mahabang litanya ko.
"Haha sorna love, di na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo." Natatawang sambit nito.
"Siyempre nakakapagod kaya kagabi." Sigaw ng isip ko. 😂
"Ihhhh wag kang gumagala mag-isa ah? sa susunod wag na please?"
"Haha oo na po! Halika na kain na tayo." Aya nito.
Inihiga ko siya bigla sa kama.
"Parang mas okay kung breakfast in bed?" Pilyang sambit ko.
Namula man, napangiti parin si Arki.
"Ay, dinner in bed na nga pati pa breakfast?" Pakikisakay nito sa biro ko.
Natawa ako. 😂
Hahalikan ko na sana siya ng biglang humarang ang kamay niya.
"Oh nguso mo! Haha kumain na muna tayo para makagala na tayo agad!" Natatawang sambit nito.
"Kiss muna!"
Hinalikan naman ako pero saglit lang. Haha
"Oh ayan okay na?" Tawang sambit niya.
"Isa pa! Sarap eh." Nakangiting request ko.
Pinugpog ako ng halik ni Arki hindi lang sa lips kundi sa buong mukha. 😂
"Oh yan sobra na yan! haha tara na bangon na."
Tumawa lang ako saka bumangon at kumain na nga kami ni Arki.
Habang kumakain hindi ko maiwasan na bigla nalang mahalikan si Arki. Nanggigil ako na ewan. 😂
Nagpigil nalang ako ng sarili ko dahil baka magkulong nalang kami sa kwarto at hindi na makagala. 😂
Around 8:30 am na ng makalabas kami ng homestay para mamasyal.
Bumalik kami sa Burnham Park para makapag-biking.
Bago makarating sa Biking Area, may nakasalubong pa kaming kakilala ko na kapitbahay ko lang 😂 At naging studyante ko rin. Buti nalang hindi niya kilala si Arki. Nag-smile lang siya sakin. 😂
Grabe ang layo na ng pinuntahan namin ni Arki may nakakasalubong parin kaming kakilala. 😂
Napapalatak nalang ako na ewan.😂
YOU ARE READING
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"