Chapter 57

928 80 297
                                    

.
.
Naglakad na kami pabalik sa beach resort.

Kinuha na muna namin mga gamit saka na naglakad papunta sa 2nd floor. Nang biglang sinalubong kami ng isang attendant.

"Maam ano po kasi ang room number na ibinigay sa inyo?" Sambit ng isa sa mga attendant.

"Hmm room 204 po." Sagot ko.

"Sige po, ihahatid po kasi namin mga towels and toiletries niyo." Sambit nito.

"Okay po see you." Nakangiting sambit ko.

Ngumiti na din ito.

Saka na kami naglakad ni Arki palapit sa hagdanan.

Maiksi lang hagdanan kaya agad naman kaming nakarating sa taas. Sakto, pwede akong umakyat baba ng hindi napapagod kaagad. (Haha)

Malapit din sa hagdanan ang room namin ni Arki.

Pagkakita sa room number na 204, napangiti ako.

"Here we are." Nakangiting sambit ko.

"Heto yung susi love." Sabay abot ni Arki.

Pagkabukas ng door, napahanga agad ako sa linis ng kwarto. Malaki at may sarili ding CR. Mayroon ding TV, maliit na table and Cabinet para sa mga damit. May wifi pa, kumpleto rekado. 😂

"Nice, ang cozy ng place!" Sabik na sigaw ng isip ko.

Napangiti din si Arki.

"Ang ganda dito love nu?" Sambit ni Arki.

"Oo nge eh, ang comfy." Nakangiting sagot ko.

Maya maya lang may kumatok.

Lumapit agad ako sa pintuan. Pagkabukas,

"Hello maam, heto po pala ang mga towels niyo and toiletries." Sambit nito sabay abot.

Napangiti ako at inabot naman agad ang mga ito. Maganda na kumpleto pa mga gamit. Mukhang sulit na sulit ang bayad namin ni Arki.

"Thank you po." Nakangiting sambit ko.

"Your welcome po maam, if may mga kailangan pa po kayo tawag lang po kayo, may telepono naman tayo dito." Sabay turo nito sa telephone.

"Okay po salamat ulit." Sambit ko.

Tumango na ito saka umalis.

"Sige po."

"Buti nalang love maaga nilang inihatid mga gamit. Hindi na tayo maiistorbo mamaya." Natatawang sambit ko.

"Baliw ka talaga love." Natatawa ding sambit nito.

"Kakainis kaya nung andun tayo sa baguio love." Natatawang sambit ko.

"Haha adik ka." Natatawa paring sambit nito.

"Oo na po haha tara ayos na tayo ng gamit." Sambit ko.

Inilapag na agad namin ni Arki mga gamit. Inilagay sa table mga foods and mga damit sa cabinet. Pagkatapos ay naupo ako sa kama para makapagpahinga.

Lumapit agad si Arki para tanggalin mga shoes ko. Napangiti ako.

Hinila ko siya at pinaupo sa tabi ko.

"Thank you!" Nakangiting sambit ko.

"No problem!" Saka ito humilig sa balikat ko.

"Happy ka love?" Biglang tanong ko.

Napasulyap ito bigla.

"Anong klaseng tanong yan love?" Natatawang sambit niya. "Napaka-understatement." Dugtong nito.

Dear my Teacher (Book 2) girlxgirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora