Chapter 6

689 29 7
                                    

.
.
.
.
Napansin ata ni Bea na nakatitig ako sa kanya kaya nag-iba ako ng tingin. Tila nagkakahiyaan pa kami.

"Bakit napaaga ka ng uwi dito? Akala ko bukas pa? Tanong ko na hindi naman sa kanya nakatingin.

"Hmm nabanggit ko kasi kina mama na bukas ako uuwi sa bahay. Kaya ngayon na ako dumaan dito."

"Bakit di ka nagdinner muna?"

"Nagmamadali na kasi ako eh, gagabihin na ako masyado."

"Ganoon ba."

"Nakainom ka ba?" Nahalata ata nito na medyo mamula mula ako pasuray suray.

"Oo konti lang."

"Bakit kayo nainom?"

"Nagcelebrate lang. Tara pasok na tayo sa loob."

Tumayo ako at tinulungan siya sa mga gamit niya.

Pagpasok sa kwarto, pagkahiga ko palang yumakap na agad si Bea.
.
.
.
.
Nagulat man, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. At parang may humugot sa kaloob looban ng tiyan ko. Hayyyy.

"Namiss kita." Bulong niya.

Napatingin ako sa kanya. Tumutulo na pala ang luha nito.

"Sobrang namiss kita hack. Grabe hindi ko alam kung paanong nangyari na nasaktan kita. Sana mapatawad mo pa ako." Dugtong nito na humihikbi na.

Hindi parin ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa taas at nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Alam kong marami na akong pagkakamali na nagawa sayo, at pinagsisisihan ko lahat yun. At pagsisisihan ko buong buhay ko kapag nawala ka sa buhay ko."

Habang nakikinig, tinantiya ko kung gaano ka sincere si Bea sa bawat katagang lumalabas sa bibig niya.

She was just there hugging me, crying while whispering words.

Hindi ko na napigilan at may tumulo ng isang butil ng luha sa mga mata ko.

I have felt the PAIN again.

Habang huminhingi siya ng tawad naalala ko lahat ng malinaw ang mga nangyari, ang pangloloko niya at pag-iwan niya sa akin sa dorm, and so I looked at her...

Tiningnan ko siya sa mga mata. Pareho na kaming lumuluha.

I wanted to say..

"Hindi ko na kayang bumalik, hindi ko na kayang masaktan ulit. Takot na ako na iwan mo ulit..."

Pero nakikita ko palang siya at naiisip na hindi ko na ulit makikita ang mukhang yun sa mga susunod na araw, linggo at buwan...

mas hindi ko kaya... :'(

Titiisin ko nalang yung sakit na naidulot niya at ang takot na baka iwan lang niya ako ulit kaysa mawala siya sa buhay ko. :'(

Unti-unti inilapit ko ang mukha ko sa kanya...

at naglapat ang aming mga labi.

dahan dahan, ingat na ingat. Naramdaman ko ulit ang init ng kanyang mga labi. Halik na may kasamang pagmamahal at pagpapatawad.

"Nakakainis lang, na Mahal na Mahal parin kita pagkatapos ng lahat." Singit ko pagkatapos ng maiksing halik.

"Patawarin mo ako. Namiss talaga kita ng sobra. Mahal na Mahal kita hack." Humihikbi parin ito.

Dear my Teacher (Book 2) girlxgirlWhere stories live. Discover now