.
.
"Can I ask something?" Tanong ko kay Bea.Nasa function hall pa rin kami. Nag-uusap
"Ano yun?"
"Naging kayo ni dev february 16, 2019 di ba?"
"Hmmm oo." Sagot nito
"Remember February 15, pinuntahan pa kita sa dorm mo. So kinabukasan pala naging kayo na?"
At doon pa ako natulog.
Actually okay pa kami ni Bea that time. May mutual understanding pero hindi na kami. I wasn't aware na meron na pala siyang bago.
Nagbuntong hininga muna si Bea bago sumagot.
"Ang totoo niyan, matagal na kaming magkakilala. A year ago pa. Tapos nagkaroon lang ng communication ulit. Dati pa talaga type na namin ang isat-isa hindi lang kami nagkaroon ng time."
Tumango tango lang ako.
"Then one time, nagkita kami with her friends, inuman. Then ayun umamin na gusto niya pala ako. That was January."
So habang may pagkakaintindihan pala kami noon, may iba na siyang bagong nagugustuhan.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin noon?"
"Lagi nalang kasi kitang nasasaktan. Kaya hinahayaan ko nalang. I can't find words to say goodbye."
Totoong hirap din si Bea na tuluyan akong iwanan. Kahit may mga nakakausap siya at nagiging jowa na iba, she keeps staying. Hindi nawawala ang communication. Until dev came. Sa kanya talaga siya nagseryoso at tuluyan akong binitawan.
Kumbaga finally, nakita na niya ang makakasama niyang bubuo ng pangarap nilang dalawa.
"I hope you can find a place in your heart to forgive me for everything baks. Hindi naging madali sa akin ang magdesisyun na sagutin na siya dahil andiyan ka pa. Pero habang lumilipas ang mga araw, I really can't help it."
Tumingin lang ako sa kalangitan habang nakikinig kay bea.
"Siguro, noon pa mahal nalang talaga kita bilang kaibigan. Hindi ko lang matanto sa sarili ko. Akala ko mahal pa kita romantically."
Kumikirot ang dibdib ko sa mga sinasabi ni Bea kaya patuloy lang akong tumingin sa taas. Kasi ayokong makita niya akong umiiyak.
Nasasaktan ako sa fact na, kaya pala siya nag-iistay before is dahil, akala niya mahal pa niya ako pero hindi na pala.
And It's killing me.
I need to save myself. Kaya sumagot na ako kay Bea.
"Siguro akala ko din noon na mahal pa kita. Kaya ako nag-iistay."
Pero ang totoo hindi ko alam kung ano ang totoong nararamdaman ko for her that time kasi kasagsagan yun ng time namin ni Arki. Nung panahong iniwasan ko si Arki. (January to March 2019 ko iniwasan si Arki)
"Baka nga akala natin na mahal pa natin ang isat-isa noon." Sagot nito.
"Anyway, masaya naman na ako for you. Finally seryoso ka na at magsesettle ka na." Pilit ang ngiting sambit ko kay Bea.
"Masaya din ako for you." Alam na ni Bea na itinuloy ko yung sa amin ni Arki. At hindi na siya against about it.
"Salamat." Sambit ko.
"Ingatan mo yung bata at wag mong sasaktan. At mag-iingat kayo." Paalala nito.
"Oo naman."
"So okay na ba tayo?" Nakangiting sambit ni Bea. "Last na to, wala ng balikan and lets stay as friends." Saka nito inilahad ang kamay niya.
KAMU SEDANG MEMBACA
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romansa"How can something be so wrong, yet it feels so right!"