Chapter 36

1K 48 106
                                    

.
.
Bumyahe na kami pauwi ni Arki.

Puno ang bus kaya magkahiwalay kami ng upuan ni Arki pero same row.

Minsan napapasulyap si Arki. Kita sa mukha niya ang pagkadismaya na hindi kami magkatabi. Lukot ang mukha. 😂

Sumesenyas siya na makipagpalit ako ng upuan sa katabi niya.

Natatawa lang ako sa kanya. 😂

"Wag na nakakahiya." Bulong ko. Kumbaga read my lips.😂

Lumungkot lalo ang mukha ni Arki. Haha

Kaya naglakas loob na ako.

"Excuse me kuya? okay lang po na makipagpalit ng upuan?" Nahihiyang tanong ko.

"Ah sige neng okay lang." May katandaan na kasi si kuya.

Kumislap agad ang mata ni Arki. Tuwang tuwa 😂

"Naku pasensya na po sa abala, maraming salamat po." Nakangiting sambit ko.

Pagkaupo ko pa lang sa tabi ni Arki agad na niyang ipinulupot kamay niya sa kamay ko at humilig sa balikat ko.

"Namiss mo ata agad ako?" Natatawang tanong ko.

"Kanina pa nga eh. Kahit nakikita kita sa kabilang upuan hindi parin sapat. Nalulungkot ako." Malungkot na sambit nito.

"Oh wag ng malungkot." Ngiti ko. Saka ko inangat ang kamay ko at inakbayan siya. Saka siya humilig sa dibdib ko.

Nasa ganoong posisyon lang kami ng matagal at natulog hanggang sa makarating ng pampanga terminal.
.
.
.
FASTFORWARD.

"Oh mag-ingat ka pauwi ah? hindi na kita maihahatid baka makita nila papa mo na ako lang kasama mo."

"Opo, susunduin na daw ako ni papa sa kanto. Andoon na daw po siya."

"Oh sige. Ingat ka ah. I love you!" Saka ko siya niyakap at hinalikan sa pisngi.

"I love you more!" Saka ito gumanti ng yakap.

"Chat or teks mo ako agad kapag nasa bahay ka na ah?" Nakangiting pahabol ko.

"Opo." Ngiti nito saka na umalis.

FASTFORWARD

Ilang araw na din ang lumipas. Hindi naging madalas ang pagkikita namin ni Arki, dahil summer na at nauubusan siya ng reason na magpaalam umalis ng bahay.

Hindi katulad dati na may pasok siya, anytime nakakaalis siya. Medyo strict din kasi ang parents ni Arki. Lalo na ang Daddy niya.

One of the reason kung bakit skeptic din ako sa kung anumang meron kami ni Arki is, yung pagiging bata pa niya. Wala pa siyang kalayaan. Hindi makakaalis anytime.

Hindi ako sanay na hindi laging nakakasama ang taong mahal ko. Gusto ko lagi kong nakikita at nakakasama. Yung tipong lagi kong kasama umalis at gumala. Ayoko ng text, chat, calls and VC lang. Ayokong hindi siya nahahawakan.

Kaya minsan hindi namin maiwasan na magkatampuhan. At hirap magsuyuan lalo na hindi ko siya basta basta pwedeng makita at mapuntahan.

Summer was quite hard for us.

Pero kahit ganoon, lalo naman lumalim ang pagmamahal namin sa isat-isa ni Arki. May mga times nga lang na nasasaktan ko siya kapag biglaang umuuwi si Bea sa bahay. Bea going home as a friend. Namimiss kasi niya ang mga tao sa bahay.

"Arki? uuwi si Bea sa bahay." Bungad ko sa chat.

Nagreply lang ng sad emoji si Arki.

"I'm sorry. Namimiss daw kasi niya ang mga tao sa bahay." Nalulungkot ako para kay Arki.

Dear my Teacher (Book 2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon