Chapter 44

1K 48 242
                                    

.
.
.
"I miss you love!" Chat ko kay Arki.

Namimiss ko na siya. Ilang araw na din ang nakalipas mula nung umakyat kami ng baguio.

"I miss you more po." 🥺

"Kailan po kita makakasama ulit?"

"Hindi ko nga din alam love eh." 🥺

"What if mag-Manila kaya tayo love?"

"Hmm ano pong gagawin natin sa Manila?" Takang tanong nito.

"May game this saturday ang Ginebra and Northport sa Araneta. Remember gusto manuod ni Bench(Classmate ni Arki nung HS)?"

May free ticket kasi akong nakukuha kapag northport ang naglalaro dahil may kakilala akong fan ng team. Pero Ginebra talaga ang team na gusto mapanuod ni Bench.

"Yes po, eh di gagabihin tayo nun pag-uwi?" Tanong nito.

"Yes love, kaya sa bahay ka nalang matutulog." ☺️😁

"Hmmm ano kaya ang ipapaalam ko kay Daddy?"

"The truth love na manunuod tayo ng live ng basketball game tapos dahil gagabihin makikitulog ka nalang kamu?"

"Baka hindi ako payagan love? at baka sabihin sakin na kay mama nalang ako makitulog?"

Sa Manila kasi nagwowork ang mama ni Arki. (Stay in)

"Hmm so ano ang pwede nating ireason?"

"Pag-iisipan ko love kung anong magandang irason." ☺️

Thursday palang naman that time, so may 1 day preparation pa si Arki.

"Nga pala love, alam mo bang nagmeet kami ng mga HS friends ko last time and nagmilktea kami. Kasama si Bench. Bigla ba naman silang nagtanong about you." 😂

"Huh? Bakit naman ako nabanggit?" 😱

"Ano na daw status natin love." 😂

"Hala may alam ba sila?" 😱😂

"Ewan nga din love eh. Di ko naman na sila nakakasama and di naman siguro nila tayo nakikitang magkasama?"

"Kaya nga eh, bakit bigla nilang naisip yun?"

"Ah remember love nung post birthday ko last august? di ba sinama ka namin nagmilktea?"

"Yes love, sakto pa naman pareho tayong naka-yellow shirt. Couple lang?" 😂

"Haha couple naman talaga tayo? haha, oo nga love tapos sayo pa ako sumakay sa motor nun, tapos sila magkakasama doon sa tricycle." 😂

"Kaya pala tayo napag-iisipan love eh. Haha siguro dati pa yan sila nakakahalata."

"Oo nga love eh, ang vocal ko kasi sa kanila. Lagi kitang bukambibig noon." 😂

"Patay tayo diyan love, wag mo nakong babanggitin sa kanila sa susunod."😂

"Haha yaan mo na love, hindi ko na rin naman sila masyado nakakasama." ☺️

Yeah that was true. Senior High na si Arki kaya iba na ang school niya at hindi na rin naman sila madalas magkita ng mga friends niya dahil busy rin sa school.

Kami ang madalas magkita ni Arki. Hindi lumilipas ang linggo na hindi kami nagkikita. Madalas nagkikita kami after school.

"Paano pala niyan love kasama natin si Bench? Baka magtaka siya na kasama ako?"

Nakapagpaalam na si Arki at pumayag na mag-overnight siya kasi gabi na ang uwi.

"Actually love di ba siya ang nagyayaya sa akin manuod dahil sa free ticket?" Alam kasi ni Bench na lagi ako nanunuod ng live games sa Araneta.

Dear my Teacher (Book 2) girlxgirlDove le storie prendono vita. Scoprilo ora