Chapter 56

832 52 316
                                    

.
.
March 07, 2020

On our way to Zambales.

Around 9:30 AM na nakaalis ang VAN.

Habang nasa VAN, magkatabi nga kami pero hindi pwedeng maglambingan dahil marami kami sa likod.

Pasulyap sulyap nalang sa isat-isa paminsan minsan at maghoholding hands ng patago.

Tapos pangiti ngiti sa isat-isa.

"Love may data ka for videos?" Bulong ko.

"Hmm opo love, bakit po?" Takang tanong nito.

"Panuorin ko muna yung korean series na tinatapos ko." Natatawang sambit ko.

Bigla ring natawa si Arki.

"Haha adik ka na diyan sa pinapanuod mo, pinagpupuyatan mo pa." Natatawang sambit nito.

"Eh kasi love para matapos ko na agad." Saka ako tumawa.

"Oo nga po sabi ko nga. Heto na po." Natatawang sambit nito sabay bigay ng cellphone.

So ayun na nga nanuod muna ako habang nakahilig sa balikat ko si Arki at natutulog sa byahe.

It took us an hour and a half bago nakarating sa Zambales.

11AM kami dumating.

Pagdating, bumili muna kami ng snacks sa 7/11.

Around 11:30 AM na ng matapos kami kaya naisipan kong mag-lunch na muna kami ni Arki.

"Love maglunch na kaya muna tayo here? Bago tayo punta sa resort?" Sambit ko.

"Ikaw love? Ano po gusto mo?" Sagot nito.

"Ikaw po." Lambing ko.

"Ihhhh seryoso love." Natatawang sambit nito.

"Hmmm siguro dito na tayo maglunch since mag 12PM na rin?" Sambit ko.

"Sige po hanap nalang tayo ng makakainan." Nakangiting sambit nito.

"And para habang kumakain tayo love try natin magsearch ng mga available resorts." Nakangiti ding sambit ko.

"Okay." Saka ito humawak sa kamay ko.

Wala kaming masyadong makita na kainan malapit sa Terminal. Chowking lang ang malapit kaya doon na kami nagpasyang kumain.

"Wait here, ako na ang mag-oorder." Nakangiting sambit ko habang nilalapag mga gamit.

"Ako na love." Sabat ni Arki.

"Ako na love, wag na makulit okay." Natatawang sambit ko. Gusto kasi ni Arki na siya na ang magbayad ng lunch namin. Ayaw niyang hindi siya gumagastos lalo na sa mga lakaran namin.

"Ano pala sayo love?" Biglang tanong ko.

"Same nalang sa order mo love." Sagot nito.

"Okay. Wait here." Sabay kindat ko.

Iniwan ko lang ang cellphone ko sa table.

Pagbalik, nakita kong parang nataranta si Arki na ibinaba ang cellphone ko.

Naisip ko na agad na may sinilip siya sa cp ko.

Siguro curious siya about sa amin ni Bea since nagkasama kami from February 29 to March 02.

Kunwari nagtataka na umupo ako at tiningnan ang cellphone ko.

At ayun boom. Nasa search messenger ko ang name na Bea Sanz Gutierrez.

Dear my Teacher (Book 2) girlxgirlWhere stories live. Discover now