.
.
Kinagabihan.Nililinis ni Bea ang sugat ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Napalingon ako. Hindi nakaregister ang number.
"Yes, hello?"
"Hello maam, si Ben po ito. Ang pulis na kausap niyo kanina sa settlement. Nagtatanong po kasi sina maam kung kailan niyo daw po maibibigay ang pera. Andito po sila ngayon." Mahabang litanya nito.
Biglang nagpanting ang tenga ko.
"Sir, ayaw niyo po ba na magpahinga muna ako at bukas na iyan pag-usapan? Hindi naman po ako tatakbo jusmiyo naman." Napapalatak na sambit ko.
"Maam kasi ang napag-usapan niyo daw kanina pupuntahan daw ng papa niyo sina maam sa bahay pero hindi daw nagpunta."
"Hindi po ako aware sa napag-usapan nila sir. Ang akin lang bakit po tayo nagmamadali? May lakad po ba? Magulo pa po ang utak ko ngayon dahil sa nangyari. Ang gusto ko lang po ay makapagpahinga muna. Masesettle din po iyan." Paliwanag ko.
"Eh kasi maam..."
"Sir?! (Medyo tumaas na boses ko), bakit nagpunta pa sila diyan sa Police Station? Para magpatulong maningil? Bakit akala po ba niya tatakbuhan ko siya? Magkalapit lang naman po bahay namin bakit hindi nalang siya dito dumeretso?" Naiinis na sambit ko.
"Ibigay niyo po ang cellpone sa kanya sir kami na ang mag-usap. Kami naman po ang may problema." Dugtong ko.
"Hello miss? Hindi kasi tumupad sa usapan ang papa niyo na puntahan kami sa bahay kaya dumeretso na ako dito." Sambit nung babae.
"Ano po ba akala niyo sa amin? Tatakabo at hindi na babayaran yung 5k?" (Actually 8k yung una nilang singil, discount na daw ang 3k para sa mga nagastos ko sa ospital at gamot, potek)
"Hindi naman sa ganun miss. Kasi ang asawa ko aalis na nextweek(Work Abroad). Walang tutulong sa akin na magpagawa nung sasakyan kaya ako nagmamadali."
"Problema ko po ba yun? Pati yung may kasama kayo sa pagpapaggawa nung sasakyan? Wag ko na po bayaran sige kasuhan niyo nalang ako." Inis na sambit ko. Sobrang nabadtrip na talaga kasi ako.
I mean, i wanna rest na muna sana at kalimutan ang mga nangyari kasi na-iistress ako at nadedepress. Pero bakit kasi ang tigas ng ulo ng babaeng yun. Haaaaay.
"Sige miss kung yan ang gusto niyo dalhin nalang natin tong kaso sa taas." Malakas na din ang boses nito.
"Kayo pong bahala!" Saka ko ibinaba ang phone.
Naka-speaker mode ako kaya rinig nila Bea at Mama ang usapan namin.
Lumapit agad si mama at parang maiiyak.
That time, maysakit si mama at depressed about her health kasi may diabetes siya.
"Maya anak, isettle mo nalang wag ka na makipagtalo. Hayaan mo na." Naiiyak na sambit ni mama.
"Pero ma..."
"Anak, ayokong may makaaway pa kayo at lalong magkagulo, lalo na balak dalhin sa taas ang kaso. Kaya please hayaan mo na isettle mo na. Baka di ko kayanin kung anuman ang mangyari sa inyo ni papa mo." Nakikiusap na si mama at di ko matagalan ang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya.
Kuyom ang palad na napapikit ako. Hindi ko isasakripisyo ang health ni mama dahil lang sa galit ko.
"Pasalamat siya at inaalala ko si mama." Sigaw ng utak ko.
"Sige na baks. Para kay tita." Malungkot na sambit nito.
Binuksan ko ulit ang phone at tinawagan ang ibinigay na number nung mag-asawa.
YOU ARE READING
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"