.
.
.
Pagka-uwi ng bahay nilapag ko na agad mga gamit ko at kumuha ng jacket at helmet.
.
.
"Oh saan ka pupunta kakauwi mo lang?" Si Mama."Sunduin ko po si Bea ma." Nagmamadali kong alis.
Aware na sila mama at sanay na sila na kapag umuuwi si Bea sa bahay sinusundo ko lagi sa Dau Terminal.
"Sige mag-ingat dahan-dahan." Pasigaw na tugon nito.
FASTFORWARD.
Nasa terminal na ako.
Bea Calling...
"Saan ka na?" Si Bea, pagkasagot ko sa call.
"Andito na ako sa harap ng citymall."
"Sige punta na ako diyan, dumaan muna ako sa jollibee."
She was always like this. May dalang pasalubong kapag uuwi sa bahay. Lagi niya akong binibilhan ng burger. Favorite ko kasi guys ang burger. Simple lang mga gusto ko sa pagkain. Hahaha
"Para sayo." Nakangiting bati nito.
Ngumiti na din ako. "Thank you!" Kahit papaano hindi naman nagbago si Bea ng pakikitungo sa akin kahit wala na kami.
Pero paano ba ako magmomove on sa kanya kung ganitong gusto niya nagkikita at nag-uusap parin kami. Kahit gusto ko din siya makita at makausap nahihirapan parin ako sa thought na may iba na siya. And it's killing me. 💔
Habang nasa motor.
Bigla akong niyakap ni Bea mula sa likuran. Backhug.
"Imissyou." Malambing na sambit nito.
Napabuntong hininga ako. May hatid na saya sa puso ko ang sinabi na iyon ni Bea, pero mas nananaig ang lungkot. Hindi ko siya sinagot kahit ang totoo namiss ko rin siya.
Ramdam ko ang pagbuntong hininga ni Bea mula sa likuran ko. Baka dahil hindi ako sumagot sa sinabi niya.
Sumandal lang ito sa likod ko.
FASTFORWARD.
.
.
SA BAHAY"Wala na kami." Walang gatol na sambit nito nung nasa kwarto na kami.
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Pero as usual, i know na LQ lang yun at magiging okay lang din sila ulit.
Tahimik lang ako na inaayos ang higaan.
"Wala ka bang sasabihin?"
"Wala naman akong dapat sabihin."
"Naiinis na ako sa kanya. Napaka-immature." Si Bea. Ang tinutukoy niya ang current girlfriend niya.
"Hindi siya katulad mo, na napaka-matured. Mahaba ang patience and very understanding." dugtong nito.
(Alam niyo naman guys ang mga teacher likas na mahaba ang pasensya. Haha)I am not flexing myself guys but Bea really messed up by chosing her over me. I dunno baka may nakita siya sa bago niya na wala sa akin, yun ang hindi ko alam. Siguro younger? pareho sila. Bea's younger than me.
Ganoon ba talaga kapag matagal na kayo? Naghahanap na tayo ng saya at kilig sa iba? Ganoon lang ba ang habol ng karamihan sa atin?
Me kasi, I am already contented of her, Of who the person i am with, of who i chose to be with. I have always loved her. Pero still unworthy, hindi ako naging enough.
"Immature pero mahal mo." Sagot ko sa kanya.
"Hindi ko alam, naiinis na nga ako. Feeling ko ginayuma lang niya ako." Sagot nito
YOU ARE READING
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"