"Can we talk?"
"Hmm saan po?" Tanong nito sa call.
"Let's meet sa kanto ng gas station na malapit sa inyo."
"Ah para saan po ba?" Takang tanong nito.
"Importante lang."
"Hmmm sige. Bihis lang ako. See you!"
Napabuntong hininga ako.
Saka ako pumikit.
"I'm really sorry." Malungkot na bulong ko sa sarili ko.
FASTFORWARD.
Nakaupo ako sa may gilid ng gas station ng makita kong paparating na si Arki.
Ang cute niya sa suot niya na short at big sized shirt. Lalo siyang lumiit. Haha. Kung kanina malungkot ako ngayon bigla akong natawa. 😂
Napangiti ito pagkakita.
Bigla itong bumeso at yumakap.
"I missed you." Nakangiting bati nito.
Pagkakita sa ngiti ni Arki parang biglang umatras ang dila ko.
Parang hindi ko kayang makitang lumungkot ang mukha niya. Lalo na ang masaktan ang puso niya.
Napabuntong hininga ako.
"I missed you more." Saka ko pinisil ang ilong niya.
"Anong meron? Bakit bigla tayong nagkita?" Takang tanong nito.
"Hmm wala namiss lang kita." Palusot ko.
Saka ako tumayo at inakay siya papunta sa motor.
"Tara milktea muna tayo."
"Okay." Ngiti din ito.
MILKTEA SHOP.
Mataman lang akong nakatingin kay Arki habang nagzizip.
"Bakit ganyan kang makatingin?" Takong nito pero nakangiti.
"Wala, ang ganda mo love." sambit ko.
"Weeeeh? parang may gusto kang sabihin?" Pang-aarok nito.
"Paano ko ba sasabihin sayo love na itigil na natin to? Habang maaga pa?" Malungkot na sigaw ng isip ko.
"Kaya ko kaya na mawala ka sa buhay ko?" Dugtong ng isip ko.
Biglang nagflashbacks memories namin ni Arki sa utak ko.
Noong mga panahon na hindi pa niya alam ang tunay na nararamdaman ko.
FLASHBACK
Gumagawa kami ng Math Bulletin Board. Grupo nila Arki ang inutusan ko.
Habang gumagawa sila sinisilip silip ko sila. Pero ang totoo si Arki lang ang gusto ko makita.
Pero hindi niya halata yun kasi most of the time I pretend not to care para hindi niya nahahalata.
YOU ARE READING
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"