.
.
"Gaano na kayo katagal ni Arki maam?" Jenny asking habang nasa byahe kami."We've known each other since 2017." Sambit ko.
Commute lang kami ni Jenny at nasa tricycle kami kaya masyadong maingay hindi magkarinigan kaya naglalapit mukha namin pag nag-uusap. And I'm not comfortable. Haha
"Tagal na rin pala."
"Oo, wala din akong balita sayo ng mga panahon na yan."
"Nagkaroon po ako ng girlfriend that time. My first girlfriend." Natatawang sambit nito.
"I see." Sambit ko sabay ngiti.
Ilang sandali lang nauna na akong bumaba kay Jenny dahil naunang dumaan sa kanto namin ang tricycle.
"Sige mauna na ako ah, see you when i see you!" Natatawang sambit ko.
"Sige maam! Ingat po thanks sa time." Nakangiti rin ito.
Sumenyas na ako ng bye at naglakad papasok ng subdivision.
Habang naglalakad bigla kong naalala na ichat si Arki.
"Gising ka pa? Nakauwi na po ako."
Ilang sandali pa ang lumipas walang reply from Arki. Siguro nga nakatulog na.
Bigla akong napabuntong hininga.
SA BAHAY.
Habang nakahiga ako sa kama.
I was busy thinking about my dilemma.
All my life, sa lahat ng mga exes ko ako ang mas higit na nagmamahal.
It's more of i love them more, than they love me. (Pero bago mangyari yun, sila muna ang mas higit na nagmamahal hanggang sa natututunan ko silang mahalin ng higit. Parang bumabaliktad ang sitwasyon.)
This time with Arki, She loves me more, than I love her. (Kaya andun ang takot ko na bumaliktad din ang sitwasyon. Na ako naman ang mas higit na nagmamahal kapag lumipas pa ang panahon.)
Masyado na akong nadala sa mga past experiences ko with my exes.
I always end up being left alone.
Palagi nilang linya,
"Huwag mo akong igaya sa mga ex mo na nang-iwan sayo!" (Pero tingnan mo, lahat sila nang-iwan.😂)
"Paano kung si Arki naman ang gumawa sa akin nun?" Sigaw ng utak ko. Bigla akong napapikit. Baka hindi ko na kayanin.
Lahat ng ex ko mas bata sa akin.
My friends keep telling me na,
"Huwag kasi sa mas bata. Palagi kang iiwanan ng mga yan. Look for someone older than you. Someone matured."
Ewan ko ba. Sadyang lapitin ako ng mas bata. Lahat ng mga nakikilala ko, nagkiclick sa akin ang mas bata. Wala rin akong natitipuhan na mas matanda sa akin. Haha
Actually, after Bea and I broke up, Napagod na akong kumilala pa ng mga bagong tao sa buhay ko.
Masyado na akong nagsawang masaktan.
Since 2016, I deactivated my fb bi account. Paminsan-minsan sisilip pero never tumambay.
Tinamad na akong makipagkilala kahit kanino. Tinamad na ring lumandi. Haha yung tipong magpapakilala ka na naman at magpapa-cute tapos ang end up maghihiwalay din kayo in the future? nah! Walang forever. 😂
Noong panahon ng kasagsagan ng moving on ko kay Bea (Year 2016). Palagi akong kinukulit ni Raffy na maghanap na ng iba.
"Lumandi ka naman, kumilala ka ng bagong girls hack!" Si Raffy.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romantizm"How can something be so wrong, yet it feels so right!"