.
.
"Love mag-iingat ka ah?" Nakangiting paalam ko."Opo love ikaw din." Malambing na sagot niya.
Saka ako lumapit at niyakap siya, sabay halik na rin sa pisngi.
"I love you!" Sambit ko.
"I love you more." Nakangiting sagot niya. "May jeep na love, sige na babye." Dugtong nito.
"Okay." Ngiti ko sabay kaway.
FASTFORWARD.
Sa bahay.
Noong mga nakaraang araw nabanggit ko na kay Arki na pauwi na si Bea from Batangas to Macabebe pero dadaan muna siya sa bahay to celebrate with me my birthday.
Every year kasi talaga present si Bea sa birthday ko since 2014 until now kahit ex ko nalang siya kasi we are close friends now. And Arki understands that.
"Love darating na pala si Bea bukas around 5pm." Chat ko.
"Ah yes love, hanggang kailan daw siya diyan sa bahay?" Reply nito.
"Hmmm she plans to stay love until sa birthday ni bunso." Ang birthday ng kapatid ko is September 18.
"Matagal tagal din love ah. Haha." Reply niya.
"Haha oo nga po love eh, hayaan na natin. Nastress daw siya ng sobra sa batangas eh kaya gusto magbakasyon saglit." Reply ko.
"Sige love, basta behave ka ah? pag ikaw talaga!" Biro niya.
"Hahaha oo naman love, carry na ba yung 1 inch apart?" Biro ko.
"Loka! Pero seryoso, sakaling may mangyari sa inyo at bumalik na naman feelings mo, iwan mo na ko ah?" Seryosong reply nito. Pero alam ko may kasamang biro yun. Haha!
"Haha para kang ewan love! Ofcourse not! We are now good friends!" Reply ko. I know in myself na matagal ng tapos yung samin ni Bea and we are now okay as close friends.
"Okay, basta love. I trust you." Chat niya.
"Opo love! Don't worry okay?" Reply ko.
"Opo."
KINABUKASAN.
Bea came around quarter to 5pm. She rented a car from Manila to Pampanga just to get home.
"Oh hey! kumusta ang byahe?" Bungad ko.
"Grabe baks tagtag ako sa byahe." Pagod na sambit niya. From Batangas kasi nagBUS siya to PITX. Then from Manila to Pampanga. Whole day na byahe.
Nagbless muna siya kina mama at papa dahil nasa garahe kami that time. Pagkatapos,
Dumerecho agad siya sa kusina to get water. At home na rin kasi si Bea sa bahay dahil sanay na siya.
So ayun, pinagpahinga ko na muna siya sa taas sa kwarto.
Kinagabihan.
After kumain nagkuwentuhan muna kami ni Bea.
"Baks tara help mo muna akong mag-smoke sa labas." Sambit niya.
"I thought tinigil mo na yan baks?" Sambit ko.
"Napasabak ulit eh, dahil kay jowa." Natatawang sambit niya.
"Ah, pero try pa rin na iwanan na yan baks." Sambit ko.
"Haha opo nay!" Biro niya.
"Baliw!" Sambit ko.
So ayun habang nasa labas,
She opened up about her relationship. Todo rant siya na nagiging toxic na sila. Kaya she wanted to rest for awhile muna kaya uuwi muna siya ng macabebe. Three months straight din silang magkasama ng jowa niya.
KAMU SEDANG MEMBACA
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romansa"How can something be so wrong, yet it feels so right!"