.
.
Team Arkiya gc was created, it has 35 members.Pero bago ko sila inadd sa gc, i made sure na hindi nila ako kilala personally and hindi sila taga pampanga.
Yung iba naging friend ko na rin sa fb dummy account. I constantly post tiktoks sa myday which led the readers to my socmeds accounts.
I wasn't aware na ganoon ka NBI pala ang mga tao sa gc. Hahaha!
Ang galing ng mga lapastangan! Haha charot lang po. Ang bilis nilang nahanap mga Real Accounts ko even Arki's real account.
I started to fear them.
Bigla ko silang kinausap ng masinsinan to stop stalking. I know naman na everybody was curious about us and i could not even stop them from stalking.
Pero huli na ang lahat. Nalaman na nila lahat about my real accounts. Hahaha! Pero siyempre nangako naman ang mga members ko sa gc na they will keep it a secret. And behave naman sila at di ako pinag-aadd without my consent.
Lalo na at may iniingatan din akong profession at privacy namin ni Arki.
And wala ding kamalay malay si Arki na marami na palang naghahanap sa kanya sa socmeds. Haha!
So, dahil natakot ako na kumalat ang mga infos namin ni Arki, bigla akong nagprivate ng mga socmed accounts ko na dati ay nakapublic.
Hindi ko naman masabihan si Arki na iprivate din yung kanya kasi hindi naman kami nag-uusap. Haha!
Iilan lang ang mga umamin sa gc na nakapag-stalk na sila. Pero kalaunan umamin din sila halos na alam na nga nila lahat. 😂
Habang lumilipas ang araw ay palagi ko na din silang nakakausap. Nagkaroon ulit ako ng mga good friends sa gc na iyon.
Kaya lang nang lumaon puro na sila tanong about Arki. Kung kumusta na kami and all. Di ko naman masabi sabi sa kanila ang real status namin ni Arki that time dahil ayoko silang ma-spoil.
Pero lingid sa kaalaman nila, nagkalakas loob na akong ichat si Arki. Nagkaroon na kasi ako ng reason para ichat siya. May maidadahilan na ako kung bakit ako nagchat and that is to ask her about her birthday. 😂
One night.
I remember pa midnight na yun ng maisipan kong ichat si Arki.
"Hi! Ano plan mo sa birthday mo?" Matagal bago ko sinend dahil nagdadalawang isip talaga ako. Haha, pero ayun nga nasend parin. 😂
1 hour ago na active si Arki. Meaning, offline na at baka tulog na. Kaya di na ako umasa na makakapagreply siya that time.
KINABUKASAN.
Around 10am na ako nagising dahil madalas akong magpuyat. Online si Arki at naseen niya ang message ko pero hindi siya nagreply. Sad. 🥺😂
So ayun, mission failed. And i guess ayaw na rin akong replayan ni Arki.
Kaya ayun, nakipagkulitan nalang muna ako sa gc. Ang iingay kasi nila at nakakatuwa silang kausap. Mga comedy din pala eh. 😂
"Maam ipasok mo dito si Arki." Chat ng isa.
"Oo nga maam para mas masaya!" Singit ng isa.
"Haha sorry guys, hindi pa alam ni Arki na nagsulat ako ng story namin. Baka makurot ako." Biro ko. Pero that was true naman talaga, walang kaalam alam si Arki na nagsulat ako at marami ng naghahanap sa kaniya. Kumbaga wanted na pala siya. 😂
YOU ARE READING
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"