"Break na muna tayo?"
"Huh maam? Hindi pa nga nagiging tayo eh." Biro nito
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Arki. 😂
"Haha joke lang maam." Natatawang sagot nito. Tumawa nalang din ako.
And we just laugh.
While laughing, I can't help but feel sad at the same time. Hindi man halata, pero sumasakit ang loob ko habang tumatawa. Dahil yun sa katotohanan na wala man nga kami kahit konting chance ni Arki. Suntok sa buwan ika nga.
Maya maya lang dumating na ang lunch namin ni Arki.
"Sige na kain na tayo."
"Opo maam." Sagot nito sabay tanggal ng mga gamit sa mesa.
"Ako na Arki." Agaw ko sa kanya sa mga gamit.
"Ako na po." Tanggi nito.
Para kaming mga bata na nag-aagawan sa mga gamit. Bigla kong nahawakan mga kamay niya.
"Grabe ang warm." Sigaw ng utak ko. Napapaso ako. 😂
Bumitaw nalang ako. Bahala na siyang magligpit kesa mapaso ako. Hahaha
While eating, pinasa ko sa kanya ang ibang ulam at kanin.
"Ayan para magkalaman ka naman." Singit ko. May pagka-slim kasi si Arki.
"Eh maam ikaw dapat ang kumain ng marami." Reklamo nito.
"No, kainin mo lahat yan."
Napabuntong hininga nalang si Arki. Wala siyang magawa. 😂
Then I noticed, isa lang pala ang baso na binigay ni manang. Nauna na muna akong uminom tapos nilagyan ko ulit ng tubig ang baso saka ko pinasa kay Arki.
"Oh water."
Parang kumislap ang mga mata ni Arki na napatingin sa baso. Hindi ko alam kung bakit. Pagkakuha niya ng baso, may kung ano siyang hinahanap.
Nagtaka ako at nagtanong.
"Anong sinusuri mo sa baso?"
"Kung saan ka banda uminom maam." Wala sa loob na sambit nito.
Napamulagat na naman ako na ewan. 😂 Parang baliw talaga to si Arki. Napakashowy niya masyado. Hindi ko na alam kong paano ko itatago ang kilig na nararamdaman ko. (Jusko day) 😂
So shes planning an indirect kiss again! 😫😂
At talagang pinakasipat niya kung nasaan ang trace ng lips ko sa baso. Hindi na ako makatiis.
"Akin na nga yan inom pa ako ulit." Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Kailangan kong magchill.
"Kalma lang maam." Sigaw ng isip ko. 😂
"Puntahan mo muna si manang hingi ka ng isa pang baso. Para di tayo mahirapan mamaya pag nauhaw ka." Palusot ko.
"Ihhh maam." Reklamo nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/18025090-288-k625764.jpg)
STAI LEGGENDO
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Storie d'amore"How can something be so wrong, yet it feels so right!"