Chapter 2

63.9K 949 70
                                    

Chapter 2

Kathryn’s POV

May kumakatok sa room ko kaya nagising ako. Tiningnan ko yung phone ko and saw that it is already 4:30 AM. I opened the door and saw Mom with her luggages. “Mom, where are you going? Andami mo po yatang dala.”

“Pasensya na anak, hindi ko na nasabi kagabi sayo kasi when I got home you were already asleep. Hindi na kita ginising kasi baka pagod ka. I have to go to Hongkong to attend an event. Meron kasing mga fashion designers dun na pwede kong kausapin para makakuha ng ideas kung ano pa yung mga designs na ibebenta natin sa boutique. Siguro mga 5 days to 1 week ako dun.” inexplain ni Mom.

“Ganun ba Mom?” medyo nalungkot ako kasi mag-isa lang ako sa bahay for 1 week? Medyo matagal din yun ah. “Sige po ingat kayo dun and call me na lang po.” I smiled at her.

“I will miss you my Chandria. Di bale I left some food sa ref natin, painitin mo na lang sa microwave yun kapag hindi ka makapagluto, okay? And make sure that you lock all the doors ha. Take care iha. I love you.” she hugged me and kissed me on my forehead.

I hugged her back and gave her a peck on the cheek. “Okay Mom. Take care. I love you too.” Hinatid ko na siya sa baba at hinintay na makaalis sila ni Kuya Anthony, yung driver namin. So ibig sabihin, ako ulit magddrive papuntang school. Sana naman hindi traffic.

Hindi na ko inaantok kaya nagonline na lang ako. I opened my twitter first and tweeted then opened my facebook. May friend request, sino kaya to? Nagulat ako nang nakita ko na si......

Albie Yuchengco??? I-aaccept ko ba or hindi? Parang ang rude naman kung iignore ko request niya eh kilala na namin isa’t-isa. Okay, sige na nga accept ko na lang. After that I checked my notifications and wala namang importante kaya naglog-out na lang ako. Time check: 5:30 AM. I decided to take a bath early para makapagluto pa ko ng breakfast ko. Siyempre niluto ko corned beef omelette, marunong din naman ako kahit papano kasi nga kami lang ni Mom ang magkasama dito sa bahay kaya nagpaturo na ko sa kanya magluto. I already finished eating and washed the dishes so I decided to go to school. 7:30 AM pa lang? Aga pa pero sige, baka matraffic pa ko eh.

At the university

9 AM pa ang class namin so may 40 minutes pa before magstart yun. Tambay na lang muna ako sa may lounge. “Hey Kath!” may tumawag sa akin at tinap pa yung shoulder ko. Hindi agad ako lumingon kasi may sinusulat pa ko pero familiar boses niya. Naramdaman ko na lang na tumabi siya and tiningnan ko na rin kung sino. “Oh Albie! Ikaw pala. What are you doing here? Di ba sa kabilang building ka?” tanong ko, nacurious kasi ako eh.

“Well, the truth is nakita kita na papunta dito kaya sumunod ako.” medyo tumungo siya habang sinasabi niya to.

“Okay? But why? May kailangan ka ba?” sabi ko.

“Ah wala naman. I was just wondering kung... kung pwede ba kong makipagkaibigan sa yo?” ah that’s why. Pero what?! Tama ba narinig ko? He wants to be friends with me na normal at simpleng student lang? Naku, baka kung ano na naman isipin ng ibang tao pero ansama ko naman kung irereject ko siya, eh nakikipagkaibigan lang naman yung tao. Haay, bahala na nga.

“Ahm, sige okay lang naman.” tapos nagsmile na lang ako sa kanya.

“Thank you Kath. So, friends na tayo ha?” parang ang saya-saya niya ah. I just nodded and he smiled again. Ang cute niya parang bata lang. I think we will be good friends.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon