Chapter 40

32.7K 412 42
                                    

Sorry kung sabaw yung update ko. Babawi na lang ako next time. Anyhoo, eto na yung Chapter 40! :)

Enjoy guys!

PS. Please vote for Kathryn as the Most Promising Actress and Daniel as Best Male Newcomer in Yahoo! OMG! awards. 1 vote per day per email address yan. Let's support them! Thank you!

Chapter 40

Neil’s POV

Nung nabalitaan ko kay Daniel yung nangyari kay Yen, umalis na agad ako. Hindi na ako nagdalawang-isip at sinimulan ko kaagad ang paghahanap kay Yen. Hindi naman siguro mahirap hanapin ang isang limousine at isang babaeng naka-wedding gown di ba?

Hindi pala madali. Mahigit tatlong oras din akong naghanap sa kanya pero wala ni anino niya ang nakita ko. Kinontact ko na lang yung pinagrentahan nila ng limousine at tinanong kung ano ang contact number nung driver at sa wakas ay nalaman ko na nagpunta pala si Yen sa isang bar. Pero pagdating ko sa sinabing bar ay wala na siya. Nagtanong tanong ako sa mga tao sa labas kung may nakita silang babaeng nakawedding gown. May nakapagsabi sa akin na pumasok daw sa isang hotel.

Pumasok ako kaagad. Tinanong ko yung mga staff doon kung nakita nila si Yen. May isang roomkeeper na nagsabing nakakita daw siya ng isang babaeng nakagown na umakyat sa rooftop. Umakyat agad ako. At doon ko nakita si Yen. Nakatayo siya sa may railings. Nakatalikod siya kaya hindi niya napansin na lumalapit ako sa kanya.

And then she shouted. “Diego bakit mo ako iniwan?! Come back please! Mahal na mahal kita!” napansin ko lang na may hawak pala siyang bote ng beer. Umiinom siya habang tinatanggal ang kanyang sapatos. Binitiwan niya na yung beer at lalo pang lumapit sa railings at nagsimulang umakyat dito.

“Kung mawawala ka rin lang sa akin, magpapakamatay na lang ako.” sabi niya. Bago pa siya makaakyat ng tuluyan ay hinapit ko na ang bewang niya at hinila papalayo sa railings.

Nagpumiglas siya bigla. “W-what are you doing bastard?! Let go of me! Ano ba?!” Pinipilit niyang makawala sa akin. Niyakap ko lang siya ng mahigpit. “Bingi ka ba? I told you to let go of me!” sinusuntok na niya yung dibdib ko. Maya-maya napansin kong tumigil na siya at umiiyak na lang. “Ano bang mali sa akin? Bakit lagi na lang akong iniiwan ng mga taong mahal ko? Pero kaya ko naman na kahit mawala sila, basta wag lang si Diego.”

Hinayaan ko lang siyang maglabas ng sama ng loob. After some time, tumahimik na rin siya. Nakatulog na pala siya. Then, she spoke unconsciously. “Bakit ba walang nagmamahal sa akin?”

Bumulong ako sa kanya. “Meron Yen. Ako, mahal kita.”

Daniel’s POV

Pumunta ako sa bahay nina Kath at ibinalita kay Tita Min na nakita na si Yen at si Neil na muna ang bahala sa kanya. Nasa living room kami ngayong dalawa. Kaya rin naman ako pumunta dito ay dahil gusto kong itanong kung saan pumunta si Kath.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon