Chapter 4

50.3K 675 53
                                    

Chapter 4

Kathryn’s POV

I was standing in front of the mirror. Tinitingnan ko kung okay na ba yung itsura at suot kong damit. Syempre kelangan I look presentable. Feeling ko naman okay na yung itsura ko. My hair is half swept up, I have a little bit of make up on my face, I’m wearing a hot pink top and a black high waisted skirt. Nakablack stilletos din ako ngayon. Di ako masyadong comfortable wearing heels pero I think I have to get used to it kasi malapit na rin naman talaga ako mag-work. Bumaba na ako and hurriedly ate my breakfast.

“Una na po ako Mom. I don’t wanna be late on my first day of training. Nga po pala, do I look okay?”

 

“You look perfect. Mukhang professional businesswoman ka na talaga. Malaki na talaga ang Chandria ko.” teary eyed na si Mom.

“Thank you po. Mom, naiiyak ka ba? Bakit?” ngayon lang kasi naging ganyan si Mom eh.

“Kasi naman you’ve really grown into a lady. Mamaya niyan mag-aasawa ka na tapos iiwan mo na ko.” nagdadrama na siya.

“Mag-aasawa kagad? Grabe Mom, wala pa nga akong boyfriend eh tapos yan agad iniisip niyo? Don’t worry Mom kahit naman may sarili na kong family in the future, lagi ko pa rin kayong dadalawin.”

 

“Kaya mahal na mahal kita anak eh. Sobrang sweet, caring, at mabait ka.” eto na naman, pinupuri na  naman ako. Mamaya talaga nito lumolobo na yung ulo ko. Kaya bago pa mangyari yun, nagpaalam na ko sa kanya.

“I’ll go ahead na po.” sabay beso kay Mom.

“Alright, take care at ingat sa pagmamaneho.” sabi niya. Di na ko nagpapahatid sa driver namin kasi gusto ko makita ng iba na kayang-kaya kong maging independent.

While driving, bumalik na naman ang pagka-tense ko. Shit! Di pwedeng ganito ako pagpunta dun. Ano bang pwede kong gawin? AHA! Alam ko na! I need a comfort food. I’ll stop by a coffee shop na lang and bibili ako ng Caramel frappe, favorite ko kasi talaga yun eh. Drive, drive, drive. Oh there, buti may nakita na rin ako na bukas na shop. I parked my car and pumasok na para umorder. Itatake-out ko na lang kasi baka ma-late ako, nakakahiya naman sa mga boss ko dun and sabi nga nila di ba first impression is very impotant. Nagbabayad na ko ng biglang may nagsalita sa likod ko.

“Hi pretty!” sabi nung nasa likod ko. Di ako lumilingon kasi baka sabihin naman feeler ako. Haha. Tapos, may kumalabit sa likod ko, kaya napalingon na ko.

“Bakit di ka namamansin?” sus, si Albie pala.

“Sabi mo kasi Hi pretty eh. Eh hindi naman yun yung pangalan ko. Saka pag tumingin naman ako baka sabihin napaka-assuming ko noh. haha.” tumawa ako pati na rin siya.

“Eh bakit? Totoo naman ah. You’re pretty. Mali pala, you’re not pretty.” aba, tingnan mo tong lalaking to. He complimented me tapos babawiin. Labo nito ha.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon