Dedicated to her! Hi Cheska! <3
I really hope magustuhan niyo yung chapter na to. I typed this for two hours. Sana mapasaya ko kayo <3
PS. Read niyo rin daw: "It started with a Kiss” by OhMyVeronica. KathNiel FF din yan. :) Thanks!
Chapter 30
Kathryn’s POV
Nakakainis. Ano na naman bang trip to? Iwan ba naman akong mag-isa dito sa yacht? Ano ba to, regalo ba nila sa akin tong yacht na to? Ayyy, ewan. I went near the railings and watched the sun setting. Ang ganda naman ng view. Sana nga lang may kasama ako ngayon dito di ba? Para naman mas ma-enjoy ko. Nakatingin pa rin ako sa malayo when I felt someone hugged me. Nagulat ako kasi naman wala namang ibang tao dito kanina. I turned my head to see who it is.
“D-DJ...” he smiled at me. Hindi pa rin siya umaalis sa pagkakayakap niya sa akin. Nakatingin lang kami sa isa’t isa. Sobrang magkalapit yung mukha namin ngayon, nalulunod ako sa pagtitig niya. Pero naiinis ako sa kanya kasi he didn’t keep his promise. Umiwas na ako ng tingin at humarap na ulit sa sunset.
“Kath, happy birthday and congratulations.” sabi niya. Hindi ako umiimik, nagtatampo kasi ako sa kanya.
Mga ilang minuto na rin ang lumipas pero di pa rin ako nagrespond sa sinabi niya. “Uy Kath.” Pinipilit niyang tingnan yung mukha ko habang nakayakap pa rin sa akin. Ako naman sa ibang direksyon ako tumitingin para makaiwas ako.
“Alam ko nagtatampo ka sa akin. Sorry na Kath.” Hinigpitan niya lalo yung kapit niya sa bewang ko at ipinatong niya sa right shoulder ko yung baba niya. Pareho kaming nanonood ng sunset ngayon.
Malakas na naman yung pagkabog ng dibdib ko. Bakit kasi hindi ko matiis tong lalaking ito? I sighed. “Oo, nagtatampo ako. You promised me na pupunta ka pero ano? Hindi ka sumipot. You didn’t even informed me na hindi ka makakapunta. I texted you pero hindi ka nagreply.” nilabas ko na yung sama ng loob ko.
“Sorry talaga ha? The truth is nandun naman talaga ako sa program kanina. Syempre, I wouldn’t miss your graduation day. Napanood ko lahat, yung pagtanggap mo ng award and yung speech mo. Hindi lang talaga ako nagpakita kasi eto nga, I want to surprise you.” bumitaw na siya kaya humarap na ako sa kanya.
“You were there?” tanong ko. Eh kasi bakit di pa siya nagpakita sa akin eh. May pasurprise surprise pang nalalaman.
“Oo nga. Kahit itanong mo pa kina Tita Min. Andun talaga ako. I still kept my promise na pupunta ako. Kaya please, wag ka nang magtampo sa akin.” medyo paawa niyang sinabi. Ang cute niya, kaya di ko matiis eh.
“Oo na, di na po. Ikaw kasi eh, surprise surprise ka pa diyan.”
BINABASA MO ANG
In A Snap
FanfictionKathryn Chandria - "I'm just a girl who dreams of having a simple life and finding true love. But what I didn't know was that everything I used to will change in just a snap." Daniel John - "They said that I've got everything that everyone would eve...