As promised, here is my 2ND UPDATE FOR TODAY! Yay! :D Do you want another update tomorrow? Motivate niyo ako! Hahaha :)))
Enjoy reading! :*
Chapter 51
Kathryn’s POV
“Sorry Kath. But we know that it is best to follow mom’s orders. Don’t worry, we’ll go back as soon as tapos na ang pangangampanya at election ni Dad. Alam ko naman na gusto mong makasama ang family mo, gagawa ako ng paraan para makabalik agad tayo dito sa Pilipinas.” pagpapaliwanag ni Sam.
Ngumiti ako sa kanya. “Sam, salamat ha. Kahit na nahihirapan tayong dalawa dahil sa pagpapanggap na ito, hindi mo pa rin ako pinapabayaan. Salamat bestfriend.”
“Bestfriend.” napangiti din siya. “Mabuti na lang pala at nalaman ko kaagad na hanggang pagiging bestfriend lang ang kaya mong maging role sa buhay ko, kung hindi, namamatay na ako sa sobrang sakit at pagseselos ngayon.”
“Huh?” ano bang pinagsasasabi nito?
“Sus. Huwag mo nang i-deny. You and DJ. Sinabi sa akin ni Mom.” nagform pa siya ng heart shape using his hands.
“Ah ganoon ba? Ayun naman talaga ang dahilan ng mommy mo kaya pinapauna na niya ako sa states.”
“Yeah, that is her real intention. Lalo na ngayon at kasagsagan ng pangangampanya ni Dad. Ayaw niya ng kahit anong rumors na pwedeng ikasira ni Dad. Sorry talaga kasi nadamay ka pa sa selfishness ng nanay ko.”
“Ayos lang Sam. Natatakot rin kasi ako, baka kung anong gawin niya sa pamilya ko that time. At ngayon naman, kaya kailangan ko na namang sumunod, si DJ at pamilya niya naman ang ginagamit niya para i-black mail ako.”
Bumuntong-hininga si Sam. “Hay, when will she change?”
Tinapik ko ang likod ni Sam. “Maybe soon enough, magbago na siya di ba? Let’s not lose hope. Lahat naman ng tao kayang magbago.”
“Sana nga Kath. I’m wishing for that day to come.” niyakap ko siya ng mahigpit. Just what he needed at the moment.
Bumitaw siya sa akin at naupo ng maayos. “I have a question. Paano mo nakuhang patawarin si DJ despite of all the hurt he gave you?”
“And why are you asking that?”
“Basta. Sagutin mo na lang kasi.” ang weird nito ngayon.
“Sige na nga. Well, simple lang naman ang sagot. Mahal ko siya kaya napatawad ko siya. Lahat naman ng tao nagkakamali at nakakasakit di ba? Kahit ako or ikaw di ba? At sino ba naman tayo para hindi magpatawad? Kung ang Diyos nagpapatawad, paano pa kaya tayo?”
BINABASA MO ANG
In A Snap
FanfictionKathryn Chandria - "I'm just a girl who dreams of having a simple life and finding true love. But what I didn't know was that everything I used to will change in just a snap." Daniel John - "They said that I've got everything that everyone would eve...