Chapter 42

32K 414 171
                                    

Dahil kinilig ako ng bongga sa mga banat ni Gino kay Mikay sa Princess And I, may update na naman ako! 3 consecutive days na akong nag-uupdate.

Warning: Mabibitin kayo sa chapter na ito. :)

Next update? Ewan ko pa. Siguro sa weekend na? Basta, hintayin nyo na lang. Read before you vote and comment. Thanks for supporting this. :*





Chapter 42

Daniel’s POV

“Tol!” nagfist-to-fist tapos nagyakapan kami ni Neil. Namiss ko ang mokong na to. Nandito na kami sa beach resort kung saan ikakasal si Diego at Julia.

“Hindi ka man lang nagsabi sa akin na nandito ka na ulit. Kahit kelan talaga.” sinuntok ko siya ng mahina sa dibdib.

“Pasensya na Daniel, may mahalagang bagay lang talaga akong pinagkakaabalahan ngayon.” tinaas-baba niya yung dalawa niyang kilay.

“Ano na namang kalokohan yan ha?! Akala ko pa naman nagbago ka na?” sabi ko sa kanya.

Bumulong siya sa akin. “Ang kalokohan ko ay pinamagatang ‘Make Yen Jealous and Finally Win Her’. O di ba? Anong masasabi mo?”

“Ano yun? Hindi ko gets.” ano bang pakulo ni Neil?

“Watch and learn.” sabi niya tapos lumapit siya kung saan nakaupo si Yen at isa pang babae. “Yen, can I borrow Akiko first? Gusto ko lang kasi sanang masolo ang honey ko kahit sandali.” sabi ni Neil kay Yen.

“Sure.” sagot ni Yen.

Pagkaharap ni Neil sa akin, nag-wink siya. Alam na! Pinagseselos pala ng kolokoy si Yen. Tumingin ako kay Yen at nakita kong sinusundan niya ng tingin sina Neil at Akiko. Mukhang nagwowork ang ginagawa ni Neil ah. Hanep talaga ang mga paraan niya. Haha.

“Guys! Mamaya may pool party tayo dun sa villa, 7pm ang start. Kita-kita na lang tayo doon mamaya. Huwag kayong mawawala. Neil ha! Baka kung saan-saan ka na naman sumuot.” sabi ni Julia.

“Oo, pupunta ako dun. Don’t worry Julia. Sige na alis na kami ni honey ko. See you later guys!” umalis na sila ni Akiko.

“Hindi na nawala ang pagkahyper ni Neil. Saan kaya nun nakukuha ang energy niya?” sabi ni Julia. Napatingin siya kay Yen. “Yen, okay ka lang ba? Bakit antahimik mo?”

“W-wala lang to. Pagod lang siguro ako sa byahe. Sige, I’ll go ahead. I’ll just take a nap, baka sakaling mawala yung pagod ko.” sabi ni Yen at umalis na rin.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon