Epilogue

32.8K 855 256
  • Dedicated kay All 'In A Snap' Readers
                                    


Epilogue

 


 

“DJ...” yan na lang ang nasabi ko dahil parang nablangko talaga ang utak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumingin ulit ako kina Amelie. Sumesenyas sila na ituloy ko lang ang paglalakad ko.

“Hi Kath.” nagsalita si DJ. Halos tumulo na ang luha ko nung sinabi niya ang pangalan ko. How I missed his voice.

Nandito talaga siya. Hindi ito panaginip lang. I want to run to him and hug him, pero hanggang ngayon ay hindi ako makakibo.

Hindi ko alam ang gagawin ko. I don’t think kaya ko na siyang harapin. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magpaliwanag kung bakit hinayaan kong isipin nila na patay na ako. Paano kung galit pala siya? Hindi ko na alam.

Sa sobrang pagkagulo ng isip ko, naisipan ko na lang tumakbo. Nahihirapan ako dahil mabigat talaga yung gown, binubuhat ko na nga lang yung laylayan. Takbo lang ako ng takbo, malapit na ako sa pintuan nang may pumigil sa akin.

“Why are you running away?” medyo humihingal na sabi ni DJ. Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. “Hey, tingnan mo nga ako.” hinawakan niya ang mga balikat ko at ihinarap ako sa kanya.

Nakatingin lang ako sa baba. Itinaas niya yung belo ko at inangat ang mukha ko. We’re both looking at each other’s eyes. “Hindi ka na makakatakbo sa akin Kath. Bakit ba? Ano bang problema?”

“Kasi... DJ, I-I” wala akong masabi, parang feeling ko nagbubuhol yung mga dila ko.

“Ano?”

 

Napapikit ako. “Sa totoo lang kasi DJ, hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa iyo.” huminga ako ng malalim tapos iminulat ko na ulit yung mga mata ko. “Nahihiya ako, kasi pinaniwala ko kayo na patay na ako. Nasaktan ko kayong lahat. Pakiramdam ko, hindi na talaga ako karapat-dapat na bumalik pa sa inyo. At hindi na rin ako magugulat kung galit ka sa akin ngayon. Naiintindihan ko naman.”

Nakakunot yung noo niya. “So, wala ka na talagang balak bumalik kung hindi ka pa namin nakita dito?”

“Ewan. Hindi ko alam.”

“Alam mo bang lagi kong hinihiling na sana buhay ka pa. Araw-araw yan lagi yung iniisip ko. Nahirapan ako ng sobra nung nawala ka. Akala ko hindi ko na kakayanin ang sakit na naramdaman ko noon. Marami ang nalungkot at nasaktan sa pagkawala mo Kath.”

“Sorry. I just thought that it would be for the best. Hindi na kayo guguluhin ni Mrs. Biden kung mawawala ako kaya nagdecide na rin ako na magsimula ng bagong buhay malayo sa inyo.” napailing siya dahil sa sinabi ko.

“Ngayong alam na namin ni Sam na buhay ka, ano na ang balak mo?” tanong niya habang nakapamulsa.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon