Chapter 23

38.6K 533 30
                                    

Another update! Yay! Next update siguro sa weekend na ulit. Marami kasing paper works this week eh. Toxic lang. :(

Read first before you vote and comment! Enjoy! :D

Chapter 23

Daniel’s POV

“O Daniel, ikaw pala yan Akala ko si Kath na eh. Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?” sabi ni Tita Min nung nakita niya ako.

“Ah Tita, dadalaw po sana ako kay Kath eh saka may sasabihin din po sana ako sa inyo.” feeling ko sobrang galang ko ngayon, di naman ako ganito dati.

“Okay, halika pasok ka na.” niyaya niya akong pumasok at pinaupo sa couch nila. Umalis muna si Tita para kumuha ng juice. Sumasakit na yung dibdib ko, di na ako makahinga sa sobrang kaba.

Maya-maya, bumalik na siya at inalok ako ng juice. “Daniel, uminom ka muna nitong juice.” inabot ko naman pero nanginginig yung kamay ko. “Are you okay? Nanginginig ka saka maputla pa yung mukha mo oh. May sakit ka ba?” naku, napansin pala ni Tita Min yung panginginig ko. Ano ba yan? Naduduwag ako.

“I’m okay Tita. Wala po akong sakit.” sagot ko. I’m starting to compose myself.

“Sigurado ka ha?” I nodded. “Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?” eto na, tinanong na niya. Hay DJ, kaya mo yan. It’s now or never. Go for it!

I took a deep breath first. “Tita, wag po kayong magagalit ha?” pagsisimula ko.

“Magagalit? Bakit naman? Is something wrong?” curious na tanong ni Tita.

“Wala naman po. May sasabihin po kasi ako sa inyo tungkol kay Kath.” kalma lang DJ, dapat di ka magpakitang kinakabahan ka.

“Ano yun? Kasi sobrang seryoso mo naman. Come on, sabihin mo na.”

Sige na nga, di na ako magpapaligoy-ligoy pa. “Ano po kasi. Ahhhhm. Kasi po.” shit, ano ba to? I’m stuttering.

“Ano nga kasi yun?” tanong ulit niya.

Pinagpapawisan na ako dito,  feeling ko nasa hot seat ako eh. “Tita, I’m courting Kath. Okay lang po ba sa inyo?” finally nasabi ko rin. Sana pumayag siya. (crosses fingers)

Biglang naging seryoso yung mukha niya. Hala, parang ayaw niya ata. Anong gagawin ko? “Tita? Ayaw niyo po ba?” napatungo na lang ako.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon