Chapter 18

42.4K 625 72
                                    

Thanks sa support dito sa story ko! I love you all! I never expected na ganito yung magiging feedback niyo sa story na to. Mas lalo tuloy akong naiinspire. <3

 

Here’s the next chapter! Read first before you vote and comment. Enjoy! :)

 

 

 

Chapter 18

Kathryn’s POV

College Valentine’s Fair

I just arrived here in school. Opening day ngayon ng Valentines Fair. Kinakabahan na ako, mamaya na kasi yung mini concert, natatakot ako baka magkamali lang ako. Kasama ko ngayon si Julia dito sa dressing room backstage, tinutulungan niya akong mag-ayos. She did my hair while I was doing my make-up. Gusto ko kasi yung light and simple lang. I’m glad andito si Julia, lumalakas tuloy loob ko because of her moral support. Buti nga hindi na masyadong malungkot si Bes eh, naikwento na rin kasi niya sa akin na mag-fiance si Diego and Yen. I hope maka-move on na talaga siya, para di na rin siya nasasaktan.

Alright! I’m done with my hair and make-up. In less than thirty minutes, the mini concert will be starting. I’m currently fidgeting my bracelet at pabalik-balik ako sa sobrang kaba. Umiikot na yung tiyan ko at feeling ko lagi akong maiihi. Kath, calm down. Kaya mo yan. Breathe in, breathe out.

“Bes, okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi palakad-lakad diyan eh, nahihilo na ko sayo.” sabi ni Julia.

“Kinakabahan ako eh, I don’t think I can do this. I’m not used to singing and performing in front of a lot of people.” napayuko ako.

“Ano ka ba? You don’t have to worry, sobrang galing mo kaya! Kulang ka lang sa confidence eh. Trust me Bes, everything will be fine.” bilib talaga ako kay Julia, even though may sarili siyang problema, nakukuha niya pa rin akong tulungan at palakasin ang loob ko.

I’m still doing deep breathing. Effective talaga to kapag stressed ako or kinakabahan. It helps me relax a little bit. “Thanks Bes. I’m really glad you’re here to support me.” sabi ko sa kanya.

Someone knocked at the door. Tumayo si Julia para buksan yun.

“Hi guys!” bati ni Diego. “Inform ko lang kayo na magsisimula na yung concert in 10 minutes.”

“Ah okay. Ready na naman si Kath eh.” Julia said. Mukhang nahihirapan pa rin siya everytime kausap niya si Diego. Siyempre, it’s harder for her to move on lalo na kung lagi silang nagkikita dito sa school.

“So pano Julia? Punta na tayo sa labas, I saved a seat for you sa front row. Para makanood tayo ng maayos.” Diego.

Medyo naghehesitate pa si Bes sumama. She looked at me. “Bes, ano? Okay ka na ba or do you want me to stay here backstage?” tanong niya.

“No, Julia. Sumama ka na kay Diego, para naman ma-enjoy mo rin yung concert. Okay na ko, kaya ko na.” I told her. Siyempre, alam ko naman na gusto niya pa ring makasama si Diego kahit papano. Sabi kasi sa akin ni Bes na kuntento na siya kahit hanggang friends na lang sila.

“Sige, alis na kami ha. Goodluck Bes.” she hugged me before going out.

“Kath, goodluck!” sabi ni Diego tapos umalis na sila ni Julia.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon