Hello guys! Konting chapters na lang ito pero expect a few more TWISTS. :) Eto na ang update ko!
Chapter 52
Kathryn’s POV
“Hello babe!” masayang bati ni DJ sa kabilang linya. “Ano nasaan ka na?”
“Nandito na kami ni Mom sa airport. Mamaya ng konti, papasok na rin ako sa waiting area.”
“Kung pwede nga lang na ngayon na rin ako umalis, sasama na talaga ako sa iyo. Ilang oras pa lang kitang hindi nakikita, miss na miss na miss na miss na miss na miss na kita!”
“OA ka babe! I’m gonna miss you too pero next week naman susunod ka na di ba?”
“Yes, I’ll try na makasunod agad sa iyo. I’ll just finish some things here.”
“Basta I’ll wait for you there. Kahit anong mangyari, hihintayin kita.” hindi ko na kasi kayang mawalay kay DJ.
“I promise, susunod ako agad.”
“DJ, please ikaw na lang ang bahalang magsabi sa barkada na umalis na ako. Nawalan na rin kasi ako ng time para makapagpaalam pa sa kanila. Tell them I’m sorry and I love them. Mamimiss ko rin sila. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik dito sa Pilipinas.”
“Sige, ako na ang bahala na magpaliwanag sa kanila.”
“Babe, tinatawag na ako nung secretary at bodyguard ni Mrs. Biden. I have to go.”
“Okay, I love you Kath. Ingat ka sa byahe.”
“I love you too DJ. So much. Always remember that ha? Kahit malayo ako sa iyo, keep in mind na mahal na mahal kita. Sorry kung ma-drama ako.”
“Yes, I’ll remember that. Ako rin naman, I love you more than anything. Sige na, baka mahuli ka pa sa flight mo. Bye babe!”
“Bye!” pinatay ko na rin yung phone ko, bubuksan ko na lang ulit kapag nasa states na ako.
Lumapit na ako kung saan nakatayo si Mom at bodyguard ni Mrs. Biden.
“Ms. Kath, eto na yung mga bagahe ninyo. Ako na rin ang bahalang maghatid sa mommy ninyo pauwi. Nauna na kasing umuwi si Ms. Smith. Aalis na rin kami pagkaalis ng eroplano ninyo.” talaga namang sinisigurado nila na aalis talaga ako. Haaay. Tumango na lamang ako.
BINABASA MO ANG
In A Snap
FanfictionKathryn Chandria - "I'm just a girl who dreams of having a simple life and finding true love. But what I didn't know was that everything I used to will change in just a snap." Daniel John - "They said that I've got everything that everyone would eve...