Chapter 17

43.8K 593 35
                                    

As promised, eto na yung update ko! Sorry kung lame ah. Medyo minadali ko kasi yung pagtytype ko nito, gumagawa pa rin kasi ako ng report ko for school, nagccram ako. :l

 

May bago pala akong story cover nito! Check it out! What do you think? Ayos ba?

 

Sana magustuhan niyo pa rin tong chapter na to! Enjoy reading! Next update? I don’t know yet. But I’ll update as soon as I’m not busy anymore.

 

 

 

Chapter 17

Kathryn’s POV

Ugggghhhh! I’m so stressed! Four days left and College Valentine’s Fair na. I still can’t think of what to sing. Andito ako ngayon sa auditorium, nag-iisip ng magandang song na kakantahin ko for next week. Buti na lang talaga Friday na ngayon and half day lang kami. At least I have the weekend to practice. Walang tao dito ngayon kaya okay lang naman na magpractice ako. I know wala naman akong maiistorbo dito.

Hindi ko nasasabi sa iba pero I’m really a music lover. I know how to play the piano and guitar. I also know how to play the cello. Dati kasi every summer vacation, nag-eenrol ako sa music school, marami kasing summer programs na available dun eh. Dun ako natutong magplay ng iba’t ibang instruments. I also used to write songs, I just love it when I express my feelings through writing songs. May mga nacompose na ako, pero parang lame, kaya ako pa lang nakakarinig. Yung mga huling nasulat ko na kanta eh medyo malulungkot kasi that was the time na heartbroken ako. Anyway, change topic. Ano ba yung kakantahin ko? Di ko maisip kung anong bagay na kanta para dun sa mini concert eh.

Isip. Isip. Tumitingin ako sa ipad ko ng songs, kanina pa ko pumipili dito pero ewan ko ba, hindi ko lang feel kantahin yung mga to. Ano kaya kung yung “Ever Ever After” ni Carrie Underwood yung kantahin ko? That song is one of my favorites. Nakakarelate kasi ako. Ako kasi yung taong naniniwala na meron talagang happily ever after. Though it’s not like the endings that happen in fairy tales, I still believe that I would have my own happy ending. Simple lang naman ang gusto ko eh, a simple life and that I would someday find my true love.

Di pa naman definite na ito na talaga yung kakantahin ko pero sige magppractice na rin ako. I sang the song and feel na feel ko talaga yung lyrics. I think okay naman yung pagkakanta ko nung song, pero medyo may konting parts na sumasablay ako. Matagal na rin kasi nung last ako na kumanta. Siguro kelangan ko lang ng warm-up vocal exercises, medyo sumasakit kasi lalamunan ko nung inaabot ko yung high-pitched parts eh. I decided to stop practicing first, mamaya mawalan pa ko ng boses nito. Inayos ko na yung mga gamit ko and dun na lang ako lumabas sa may backstage. I headed to the ladies’ room para mag-ayos ng konti. After that, I went outside the building and umupo muna ako sa may benches sa labas. I’m too lazy to drive lalo pa ganitong oras, buti na lang hatid-sundo ako today, panigurado traffic ngayon. Magchichill na lang muna ako dito. Nagsoundtrip na lang muna ako. Maya-maya, may nagpopoke sa likod ko.

*poke* *poke* *poke* Ang kulit naman nito, sino ba to?

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon