Chapter 37

33.8K 419 115
                                    

Promote lang po. Please read "When Love Repeats It's History" by TheShadesofLove. :)





Chapter 37

Kathryn’s POV

Nasa loob ako ng kotse ngayon. I’m gathering all my strength to face Enrique. I can see him from here, nakaupo na siya sa favorite bench namin noon dito sa park. Naaalala ko pa yung mga memories namin dito noon. We used to play here with Julia when we were kids, dito rin siya nagtanong kung pwede niya ba akong ligawan at dito ko rin siya sinagot. Bumabalik lahat sa utak ko pero alam kong memories na lang talaga yun. Nagdecide na akong bumaba ng kotse at unti-unti na akong lumapit sa kanya.

“Enrique.” napalingon siya sa akin at ngumiti.

“Hi Rynryn. How are you?” tumayo siya sa harapan ko.

“Okay naman ako. I’m happy with my life.”

“That’s good to hear. Halika, upo tayo.” Umupo ako sa tabi niya pero medyo malaki yung space sa pagitan naming dalawa. “Akala ko hindi mo na talaga ko kakausapin.”

Natahimik kami for a few minutes. Nagsalita ulit siya. “I’m sorry.” Yan pa lang ang sinabi niya pero nagsimula nang mamuo yung luha sa mga mata ko. Nakatingin lang ako sa baba pero nararamdaman kong nakatingin siya sa akin. “Rynryn, patawarin mo ako kung nasaktan kita ng sobra. I left you without giving you any reason. Nasaktan din naman ako nung iniwan kita but I have to do that for my family, para sa business namin.” Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. “Lubog na lubog yung negosyo namin that time at may bumili sa malaking share sa company namin. We wanted to get that share back from them so nakipagdeal si Daddy na ipakasal ako sa anak nung investor.”

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Nagsalita na rin ako. “Pero bakit hindi mo sinabi sa akin na yan ang dahilan kung bakit mo ko iniwan?”

“Alam kong mas masasaktan ka lang kapag nalaman mo yun. At isa pa, ayokong alalahanin mo pa yung problema ko.”

“Wala rin namang pinagkaiba eh. Sobrang nasaktan pa rin ako.” I smiled a bitter smile. “Alam mo mas naging mahirap sa akin ang mag-move on dahil hindi ko alam kung ano ang reason mo kung bakit mo na lang ako basta basta iniwan. I kept on thinking kung may nagawa ba akong mali or kung may kulang ba sa akin. It took me a long time to heal my heart and move on. Hindi ganoon kadali ang pinagdaanan ko dahil sa yo.” I’m looking at him now.

“Patawarin mo ako. Mahal kita Rynryn. Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita.”

“I already forgave you Enrique. Wag kang mag-alala.” nakita kong natuwa siya sa sinabi ko.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon