Chapter 54

29.2K 441 161
                                    

Okay. Warning lang, merong magulong part sa chapter na ito. Kahit ako kasi naguluhan eh. LOL :)))

Anyway, here’s the second to the last chapter. Enjoy!

Thank you so much sa patuloy na nagbabasa and sumusuporta dito! I love you guys! Seryoso :)

Chapter 54

Daniel’s POV

“Kath, one week kitang hindi madadalaw ah? May aayusin kasi kaming business ni Sam sa Europe.” Nandito ako sa sementeryo ngayon, nagpapaalam kay Kath.

“Pero di bale, pagkabalik ko, dito agad ako pupunta. Miss na miss na talaga kita. Buti nga kinakaya ko kahit wala ka na. Isa lang ang mukhang hindi ko na magagawa ulit.” hinawakan ko yung lapida niya.

“Alam mo ba kung ano yon? Ang magmahal ulit ng iba.” I sighed. “Hindi ko na kaya eh, para sa iyo lang talaga ang pagtibok nito.” tinuro ko yung puso ko.

“Siguro kung nandito ka, masasabihan mo ako ng corny.” tumawa ako. “Wala kang magagawa, ganoon talaga, pagdating sa iyo, nagiging corny ako.”

“Hoy DJ!” sigaw ni Sam, kasama niya si Jasmine sa loob ng kotse.

“Oh bakit?!” kasi naman nagmomoment pa ako dito. Abala talaga kahit kailan.

“We’re going to be late! Forty minutes na lang flight na natin!”

“Oo na! Give me one more minute!” sigaw ko. Tinaas na niya yung bintana ng kotse.

Tumayo na ako at pinagpagan yung pantalon ko. “Paano Kath? Kailangan ko nang umalis eh. See you in a week. I love you.” Lumakad na ako pabalik sa kotse ni Sam.

Airport

“Jas, ikaw na muna ang bahala sa kotse ko. You can use it if you want.” bilin ni Sam habang kinukuha yung mga gamit namin sa compartment.

“Ibabalik ko na lang mamaya ito sa bahay ninyo tapos magpapasundo na lang ako sa driver namin.” nilalaro niya yung susi ng kotse. “Okay na ba? Wala na ba kayong nakalimutan or something?”

“Wala na Jas. Thank you sa paghahatid sa amin dito ni DJ.”

“Wala yon. Galingan nyo ha!”

“Tss. Wag kang mag-alala Jas, nandito naman ako. For sure, makukuha namin ang deal na yan. Kaya nga sinama ako ni Sam para sure eh.” sabi ko.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon