Hindi ko alam kung ano ang irereact ko dito sa chapter na to. Kung ano-ano kasing pumapasok sa utak ko. Haha :))) Anyway, don't hate me guys ah? hahaha :)))
Here it is. Chapter 44. Sana magustuhan nyo. :D
Chapter 44
Daniel’s POV
Si Kath ang nakakuha ng bouquet at ako naman sa garter. Baka isipin ninyo sinadya ko talagang saluhin yung garter. Hindi naman talaga ako nakipag-agawan, kusang bumagsak yung garter sa ibabaw ng ulo ko kaya ayun, kinuha ko.
“DJ, isuot mo na yung garter kay Kath.” sabi nung host.
Lumapit na ako kung saan nakaupo si Kath tapos lumuhod na ako sa harapan niya. Tumingin ako sa kanya pero nakayuko lang siya. Kinakabahan ako sa gagawin ko.
“Go na DJ!” sabi ni Diego. Mukhang tuwang-tuwa sila ni Julia.
Sinimulan ko nang isuot yung garter sa left leg ni Kath. Itinataas ko na yung garter pero tumigil ako nung above the knee na. Okay na naman siguro yun.
“Ayan, tapos na.” sabi ko.
“Ayun na ba yun?” yung host. “Ano audience, satisfied na ba kayo? Hanggang sa may taas lang ng tuhod?” Pahamak naman itong host eh.
“HIGHER! HIGHER! HIGHER! HIGHER! HIGHER! HIGHER!” sigaw ng mga tao. Dinig na dinig ko rin ang boses ni Neil, pumapalakpak pa. Loko talaga kahit kelan.
“Kath ano? Ayos lang ba?” tinanong ko siya, mukha kasing napipilitan lang siya.
Tumingin muna siya sa table kung nasaan si Sam. Para bang nag-aalala ang itsura ni Kath habang nakatingin siya doon. Tumingin na siya sa akin and she nodded.
I pushed the garter higher hanggang sa middle ng thigh niya. Ingat na ingat nga ako kasi nakagown pa siya, baka masilipan siya. Tinanggal ko na yung kamay ko. Tatayo na sana ako kaso nagsigawan na naman ang mga tao.
“HIGHER PA! HIGHER! HIGHER! HIGHER! HIGHER! HIGHER! HIGHER!” shit. Ano bang gusto nila? Mataas na nga yung garter.
“Itodo mo na DJ!” kantyaw nung host.
Nag-aalangan akong tumingin kay Kath. Pilit siyang ngumiti.
“Sige DJ, okay lang.” sabi niya sa akin.
Hinawakan ko na ulit yung garter. “Pasensya na Kath ha.” sabi ko bago ko itinaas ulit yung garter. Nanginginig yung kamay ko. Sobra sobra yung kaba ko at nakakailang na rin kaya binilisan ko na lang hanggang sa malagay ko na yung garter sa dulo ng hita niya. Agad-agad naman akong tumayo pagkatapos.
BINABASA MO ANG
In A Snap
FanfictionKathryn Chandria - "I'm just a girl who dreams of having a simple life and finding true love. But what I didn't know was that everything I used to will change in just a snap." Daniel John - "They said that I've got everything that everyone would eve...