Chapter 32

36.3K 488 74
                                    

Hey peeps! Pagpasensyahan niyo na tong update ko ngayon kung medyo sabaw. Wala kasi akong maisip masyado, napabakasyon na rin kasi si brain eh. Haha :))))

Pero I hope you’d enjoy reading it. Comment naman kayo ng feedbacks or suggestions ninyo oh. Thank you! <3

Chapter 32

Kathryn’s POV

Simula noong natanggap ko ang text galing sa kanya, madalas na akong napapaisip kung kelan kami ulit magkikita. Hindi ko alam pero gusto na ayaw ko siyang makita.

“Mam Kath, are you listening?” bumalik na ang atensyon ko sa meeting. Kanina pa pala ako tinatanong ni Misty, isa sa mga empleyado dito sa Mirage Estates.

“Sorry, what was that again? May bigla lang kasi akong naisip eh.”

“Tinatanong ko lang po sa inyo kung anong opinion ninyo sa bagong project na ipinresent ko?” sabi niya. I checked the folder containing the summary of her report and scanned it quickly.

“I guess it’s okay but I think magkakaroon tayo ng problema dito sa lugar. Di ba malapit sa dagat yung pagtatayuan nitong condominium na ito? Malambot ang lupa doon, it is possible na maging mahuna yung building pag nagkataon. And baka rin nagsisimula nang lumubog yung lupa sa lugar na yan. We better check it with the architecture and land development department. Makipagmeeting muna kayo sa kanila and then ireport mo agad sa akin yung napag-usapan ninyo. Okay?” I told them.

“Yes Mam. We’ll report to you as soon as we finished consulting with them.” sagot ni Misty.

“Alright then, meeting adjourned. Thank you everyone.” niligpit ko na yung mga papeles na kailangan kong pag-aralan at lumabas na sa meeting room. Nawala na naman ako sa sarili ko kanina. Halos dalawang linggo na akong nag-iisip sa ex ko. Ano na lang ang mangyayari kung babalik nga siya? Mahaharap ko na nga ba siya?

“Bes!” ginulat ako ni Julia mula sa likod.

Muntikan nang mahulog ang mga hawak ko at napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. “Julia naman eh, aatakihin ako sa puso sa panggugulat mo.”

“Sorry. Kasi naman eh, sobrang lutang ka habang naglalakad, di mo man lang napansin na binati kita. Basta lumagpas ka na lang sa akin.”

“Pasensya na. Marami lang talaga akong iniisip ngayon.”

“Ano bang iniisip mo? Don’t tell me nag-away kayo ni DJ?” sabi ni Julia.

“Ano ka ba? Hindi noh. Ibang bagay.” pumasok na kami sa office ko.

“Do you want to talk about it? Available ako ngayon, wala namang masyadong inaasikaso sa restaurant namin eh.” she offered.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon