Hi guys! Here is another update. :) Kakaupdate ko lang kagabi nung Chapter 40. Remind ko lang kasi baka hindi niyo pa nababasa.
Comment pa rin kayo dun sa previous chapter ha. Thanks! Haha :))))
Chapter 41
After 2 years
Julia’s POV
“Sige Hon, goodluck sa meeting mo! See you later.” I told my fiance and gave him a smack.
“Bye. Ingat ka ha, papakasalan pa kita.” sabi naman niya. Lagi pa rin niya akong pinapakilig hanggang ngayon.
Wondering who my fiance is?
Well, siya lang naman ang first love at ang true love ko. Sino pa ba? Eh di si Diego. Yup, si Diego nga. Siguro nagtataka kayo kung papano nangyari yun di ba?
Nawala si Diego for one and a half year. Kahit sino walang balita sa kung anong nangyari at kung nasaan siya. Sa pag-alis ni Diego, narealize ng parents niya na mali ang ginagawa nilang pagpapatakbo sa buhay ng sarili nilang anak. They realized that Diego has the right to decide for himself at hindi nila hawak ang buhay nito. Nung una, sobrang nag-aalala sila and they really tried to find him but nung medyo tumagal na, they decided to let Diego live his own life the way he wanted to.
Si Yen? She moved to Davao after the wedding incident two years ago. Siya yung nagmanage ng business nila nina Tito Franco doon. Lumayo rin siguro siya para makapagmove-on na siya. Alam kong sobrang nasaktan siya nung iniwan siya ni Diego. Before she left for Davao, she talked to me. Humingi siya ng tawad sa akin dahil pinagpilitan daw niya ang sarili niya kay Diego kahit alam niyang nagmamahalan kaming dalawa. Inamin niya rin sa akin na ginawa niya talaga ang lahat para mapaghiwalay kaming dalawa. Napakaemosyonal nang nangyaring pag-uusap naming dalawa. I felt her sincerity that time and naiintindihan ko naman kung bakit niya nagawa yun so nagkapatawaran na rin kami.
Six months ago, bumalik si Diego. Hindi talaga ako makapaniwala noong pumunta siya sa restaurant namin. Nagkamustahan kami and nagkwento siya kung ano ang nangyari sa kanya sa Australia. Doon pala siya pumunta at nagsimula siya ng maliit na company sa tulong ng isa niyang kaibigan doon. Hindi nagtagal, lumaki yung company nila at marami na ang mga naging kliyente nila. Naging successful siya dahil sa sariling sikap. His parents were really proud of him when he came back. Humingi din sila ng tawad kay Diego dahil sa pakikialam nila dati sa buhay niya. Naging maayos na rin naman ang relationship nila sa isa’t isa.
Pinuntahan ni Diego si Yen sa Davao to personally apologize for everything. Naging magkaibigan pa rin naman sila. Diego and I started dating again at hindi nagtagal ay naging kami na ulit.
Nung third monthsary namin, sobrang hindi ko inexpect ang ginawa niya. Nagpropose siya sa akin! Nanood kasi kami ng movie noon tapos after ng credits, may nag-pop sa screen na words saying “Will You Marry Me Julia?”. He knelt in front of me at may spotlight sa aming dalawa. I can’t explain how happy I was at that moment. Syempre I said yes. Hindi ko na siya pakakawalan. Actually, our wedding will be two weeks from now. Excited na nga ako eh. Matutupad na kasi yung dream ko na beach wedding. Sana nga lang nandoon si Kath. Until now, wala pa rin kasi akong balita sa kanya. Ang alam ko lang, a year ago, tumigil na si DJ sa paghahanap sa kanya. Akala ko talaga yung dalawa na ang magkakatuluyan eh. Sayang sila.
BINABASA MO ANG
In A Snap
FanfictionKathryn Chandria - "I'm just a girl who dreams of having a simple life and finding true love. But what I didn't know was that everything I used to will change in just a snap." Daniel John - "They said that I've got everything that everyone would eve...