Chapter 47

32.6K 469 105
                                    

Sa wakas, nakapag-update na din! Yung next di ko pa ulit alam pero malapit na to matapos. Last 8 chapters na lang kaya magvote and comment na kayo. Haha :))) Please support this til the end. Thank you!

Chapter 47

 

 

 

Daniel’s POV

Sina Julia, Diego, Yen at Neil ay nagsasayaw lang sa gitna. Grabe lang, ang gugulo nila doon, mga nagwawala. Biglang tumabi sa akin si Kath, may dala naman siya ngayong dalawang bote ng beer.

“Bakit ka nakatingin? Gusto mo din ba nito? Eh di bumili ka doon. Haha” tumatawa siya, mukhang tinamaan na talaga siya.

“Lasing ka na Kath. Tama na ang pag-inom.” pilit kong kinukuha sa kanya yung beer.

“Noooo. Gusto ko pa, saka hindi pa ako lasing.” tuloy-tuloy niyang iniinom yung beer.

Pagtayo niya, muntikan na siyang matumba. Lumapit ako sa kanya para alalayan siya. “Ayos ka lang? Tama na kasi ang pag-inom, yan tuloy muntikan ka nang matumba.”

“Okay fine, titigil na ako.” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Pero samahan mo akong sumayaw. Punta tayo doon kina Julia.” Hinila na niya ako.

Sumasayaw na si Kath sa gitna. Grabe ang hyper niya. Talon siya ng talon habang nasa ere ang mga kamay niya.

“Ano ba yan DJ? Bakit hindi ka sumasayaw? Mukha kang tanga diyan.” napahinto si Kath sa pagsayaw niya.

“Hindi naman kasi ako mahilig sa mga sayaw na ganyan.”

“Naku Daniel, napaka-KJ mo talaga!” sabi ni Julia na nakayakap kay Diego habang sumasayaw.

“Oo nga. Kath, sayawan mo nga si DJ, baka sakaling mapasayaw mo yan.” sabi ni Neil.

Biglang nagbago ang tugtog. “Ayan tamang-tama yung music o. Kath, sayawan mo ng sexy dance si DJ, partner kayo.” Yen.

“Ewan ko sa inyo. Babalik na nga ako doon sa table natin.” tumalikod na ako pero bigla akong ihinarap ni Kath sa kanya. Inilagay niya ang mga kamay niya sa balikat ko at nagsimula siyang kumembot.

“Whoa Kath! Ang sexy mo palang sumayaw! Hon, gayahin mo rin siya oh!” sabi ni Diego kay Julia. Eto namang si Julia ginaya nga si Kath. Si Yen ganun na rin ang ginawa.

Lalo niyang nilapit ang katawan niya at patuloy pa rin ang pagsasayaw sa harap ko. Hindi ako makagalaw, parang naging estatwa lang ako habang ginagawa niya yan. Shit Kath, itigil mo na please. Baka matempt ako. Help me Lord.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon