Pa-follow naman daw si @someonelikemeg sa twitter! thanks! :)
Chapter 36
Daniel’s POV
Hindi ako makatulog. Nakakainis naman kasi yang Enrique na yan. Bakit kasi bumalik pa siya? Baka makagulo lang siya sa amin ni Kath eh. Nagsalpak na lang ako ng headphones at nakinig ng music. Baka sakaling dalawin ako ng antok pag ganito. Nakapikit na ako nang naramdaman ko na gumalaw yung kama ko. Napamulat tuloy ako.
“Kath.” tinanggal ko yung headphones ko at bumangon.
“Sorry DJ. Did I wake you up?” tanong niya, pero nakatingin lang siya sa lap niya.
Tumayo ako at tinabihan siya sa kabilang side ng kama. “Hindi pa naman ako tulog eh, nakikinig lang ako ng music.” I held her right hand and entwined our fingers. “Bakit ka pala nandito? Di ba masama yung pakiramdam mo?”
“Maayos na naman yung pakiramdam ko. Saka I went here to give you my gift. Buti 11:30 pa lang, abot pa ko sa birthday mo.” she picked up a paper bag on the floor and gave it to me.
“Ano to?”
“Basta. Buksan mo na lang.”
Binuksan ko yung paper bag at napangiti ako nung nakita ko kung anong laman noon. Isang painting na nakaframe at kaming dalawa ang nakapinta doon. Magkahawak kamay kami at kitang-kita ang saya sa mga mukha namin sa painting. Yun yung araw na sinagot ako ni Kath.
“Thanks Babe. Sa lahat ng regalo na natanggap ko, eto ang pinakapaborito ko. Saan mo pala ito pinagawa?”
“Ako lang ang nag-paint niyan. Gusto ko kasi na kakaiba at pinaghirapan ko yung ibibigay ko sa iyo.” tapos tinuro niya yung signature niya sa bandang ibaba ng painting. Katabi nung signature niya ay may nakalagay pa na “I will love you forever DJ.”
I hugged her really tight. Napakaspecial nung ibinigay niyang regalo. Isa ito sa mga regalo na pinakanagustuhan ko sa buong buhay ko. “Salamat Kath. You really made my day.”
Bumulong siya sa akin habang magkayakap pa rin kami. “I’m sorry.”
Lumayo ako ng konti and I looked at her. “Why are you saying sorry?”
“I’m sorry kasi I didn’t get to spend with you your special day. Umuwi kasi ako agad kanina eh.” tumulo yung luha niya.
“Oh, bakit ka umiiyak?” pinahid ko yung mga luha niya.
BINABASA MO ANG
In A Snap
FanfictionKathryn Chandria - "I'm just a girl who dreams of having a simple life and finding true love. But what I didn't know was that everything I used to will change in just a snap." Daniel John - "They said that I've got everything that everyone would eve...