Chapter 49

33K 424 91
                                    

Sorry for the late update. Again, this chapter contains scenes and languages which are not appropriate for young readers. Please read at your own risk. You have been warned.

I can smell the ending. Huhu. T_T I’m gonna miss writing this. Pero expect some more twists! Would it be a happy ending or a tragic ending? Sabay-sabay nating subaybayan hanggang matapos ito.

Thanks sa support guys!

Chapter 49

Daniel’s POV

*kriiing* *kriiing*

Aiish, sino ba tong tumatawag na to? Ang aga aga, istorbo.

“Hello?”

“Sa wakas DJ, sinagot mo na rin yung phone mo! Nasaan ka ba? Pinuntahan kita sa room mo kanina, wala namang sumasagot.” si Neil lang pala.

“Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko. Tulog na tulog ako kaya baka hindi ko narinig ang pagkatok mo.” Hindi ko pwedeng sabihin na nandito ako ngayon sa suite ni Kath, hindi muna dapat nila malaman na nagkaayos na kami. Aayusin ko muna lahat between me and Jasmine at pati na rin yung kay Kath at Sam. “Bakit ka pala tumawag? Ang aga pa oh!”

“Tol, di kasi namin kayo ma-contact ni Kath. Nauna na kami nina Yen at Akiko. Si Akiko kasi may pupuntahang conference mamaya kaya hinatid na namin pabalik sa Manila. Sabay na lang kayo ni Kath pauwi.”

“Okay okay. Sige, kita na lang tayo pagbalik namin dyan. Tutulog muna ako ulit. Istorbo ka kasi eh.” reklamo ko.

“Alright tol. Sige tulog na ulit. Bye.” sabi ni Neil. Pinatong ko na yung phone ko sa side table. Tiningnan ko yung babaeng katabi ko ngayon. Napangiti na naman ako. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kagabi. She gave herself to me. Naramdaman ko na mahal pa rin talaga ako ni Kath.

Nakatalikod siya sa akin, inayos ko yung kumot naming dalawa at niyakap ko siya patalikod. Sana dumating ang panahon na araw-araw, siya kaagad ang makikita ko sa tuwing gigising ako sa umaga. Napakabango ng buhok niya, it smells like lavender. I kissed her hair and nape and hugged her tighter hanggang sa nakatulog na ulit ako.

Kathryn’s POV

Pagkagising ko, nagulat na lang ako dahil 9AM na, napasarap kasi yung tulog ko. Dapat paalis na kami dito sa resort by now. Gusto ko na sanang tumayo sa kama pero nakayakap ng mahigpit sa akin si DJ. Ayoko naman siyang gisingin, medyo nahihiya kasi ako sa kanya. Alam niyo na kung bakit.

Hindi ko akalain na mangyayari yun sa amin kagabi. We were just so in love with each other. Nag-init yung pisngi ko habang inaalala ang mga ginawa namin kagabi. Pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. I will not forget that ever.

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon