Chapter 6

48.1K 669 46
                                    

<-------------------------------- Vote, Comment, Be a Fan! Para naman po mainspire ako. Thank you! :* Sensya kung boring and di masyadong maganda ah, first story ko kasi to eh. Hihi :))

 

 

Chapter 6

Daniel’s POV

 

Hay. Time is really fast. Ngayon na kasi yung first day of work ko sa bagong company na pinag-investan ni Dad. Parang two days ago lang, kakalipat ko lang dito sa bahay namin sa San Juan. And I was right about what my dad wanted me to do kaagad.

Flashback

*2 days ago

“Mom, Dad I’m home!” sigaw ko pagkapasok ko sa bahay namin. Malaki kasi yung bahay kaya naisipan kong sumigaw na para rinig nila ako agad. Kinuha na nung maid namin yung mga maleta ko at inakyat na sa kwarto.

 

Maya-maya, “O DJ iho, I thought sa isang araw pa uwi mo? Bakit napaaga ka yata?” Mom said while hugging me.

 

“Kasi Mom, I decided to come earlier para naman ma-enjoy ko muna sarili ko. Last week pa ko nakauwi eh, sa hotel lang ako nagstay.”

 

“Dapat dito ka na lang dumiretso pagdating mo. Alam mo naman na miss na miss ka na namin. O, ayan na pala Daddy mo.”

 

“Daniel, son, welcome back.” sabay manly hug kami. “Narinig ko last week ka pa pala dito sa Pinas, sayang naman dapat nakapagsimula ka na sa trabaho. Marami kasing kelangan asikasuhin dun eh.” I was right di ba? Yan talaga sinabi agad ni dad.

 

“I want to relax first before working kaya di muna ako nagpakita sa inyo.” sabi ko.

 

“Rommel, hayaan mo na si DJ. Para naman may social life din yang anak mo noh.” depensa ni Mom. Kaya sobrang magkasundo kami niyan eh.

 

“O sige. Pero sa Thursday, you have to start going to the office okay? Malaki expectation sa yo ng mga tao, remember that. And besides, dadating pa ang kumpare ko na si Franco, siya yung bumili nung bagong company na pinag-investan natin. You have to do your job well para hindi tayo mapahiya.” ganyan si dad basta business pinag-uusapan, masyadong serious kaya siguro medyo nagiging manipis na yung buhok niya, palagi yatang stressed to eh.

 

“Yes dad. I’ll do my best.”nag-agree na lang ako.

                                                                                                                                                        

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon