Chapter 25

41.7K 589 51
                                    

Dedicated to her. I really love her works, ang ganda. Nakakakilig and interesting ang every chapter. <3 Keep up the good work! :)

Thanks a lot guys! Lampas 50k reads na tong “In A Snap” tapos more than 100 na rin yung fans ko. Maraming maraming salamat sa inyo! Kinikilig naman ako. :”>

Keep supporting and please help me spread my story! :)

Chapter 25

Franco’s POV

Kakaalis lang ng private investigator ko dito sa bahay. At katulad ng dati, wala pa ring balita kung nasaan ang mag-ina ko. Nawawalan na ako ng pag-asa. It’s been almost two months since bumalik ako dito sa Pilipinas and yet wala pa ring nangyayari sa paghahanap ko sa kanila. Pumunta na lang ako sa loob ng office ko dito sa bahay, umupo ako at uminom muna ng kape. Min, Chandria, nasaan na ba kayo? Kaya ba kayo hindi mahanap dahil ayaw niyong magpakita sa akin?

“O Franco, bakit ang aga-aga eh ganyan na agad ang mukha mo? Para kang namatayan diyan.” Di ko namalayan, pumasok pala si Mama sa loob. Dumating na siya last week from the states. Gusto daw niya kasing umattend nung party ng company at para makapagbakasyon na rin siya dito.

“Mama, wala pa ring lead kung nasaan sina Min. Nawawalan na ako ng pag-asa eh.” napabuntong-hininga ako pagkasabi ko niyan.

“Anak, I’m really sorry ha. Siguro kung hindi dahil sa akin, magkakasama pa rin kayong tatlo. I regret all the things that I did to Min and you.”

Tumayo ako at nilapitan ko siya. “Napag-usapan na natin to di ba? Mama, hindi ko naman kayo sinisisi eh. At isa pa, sigurado akong napatawad na kayo ni Min. Stop thinking about it okay? Makakasama pa sa inyo yan.”

 

“Basta Franco, don’t give up. I know and I feel in my heart na malapit na natin silang makita. I promise you, gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanila.”

“Opo Mama, hindi ako titigil hangga’t hindi ko sila nakikita. I promise you that.” sabi ko and then she hugged me. Malaki na talaga ang ipinagbago ni Mama. Naging mas understanding na siya ngayon at supportive. “Teka, asan nga po pala si Yen? Have you seen her?” hindi ko na kasi nakikita ang batang yun eh.

“Naku, ayun umalis raw ng maaga sabi ng mga katulong. Ewan ko ba sa batang yan, ang hirap pagsabihan, sobrang tigas ng ulo. Masyado mo kasing na-spoil eh.” sabi ni Mama sabay iling ng ulo.

“Masyado naman kasi kayong mahigpit sa kanya eh. Baka lalong magrebelde kapag naramdaman niyang naghihigpit tayo sa kanya. Pabayaan na lang muna natin siya.” sagot ko.

“Sana talaga hindi siya tumulad sa ina niya, puro sakit ng ulo lang ang binigay sa akin.” napahawak si Mama sa dibdib niya.

Inalalayan ko siyang umupo. “Relax lang kayo. Wag na nga nating pag-usapan yun, masama sa inyo ang nasstress at nagagalit di ba?”

In A SnapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon