Dahil natutuwa ako sa mga comments mo and almost every chapter nagcomment ka, this chapter is dedicated to you! Rawwr! hahaha :))
Chapter 35
Daniel’s POV
*toot toot* *toot toot*
1 Message Received
From: Neil
Tol, HAPPY BEERDAY sa iyo! Paburger ka naman dyan! Nga pala, pinapasabi ni Tito Rommel na pumunta ka raw ngayon sa The Glass Garden, 12 PM. Imeet mo daw yung client ninyo from Australia, may biglaang meeting daw kasi siya eh.
End of Message
Ha? Nakabirthday leave ako ngayon ah? Alam naman ni Papa na di ako papasok ngayon, bakit ako pa yung inutusan niya? Papunta na sana ako kina Kath ngayon to celebrate this day with her. Panira talaga ng plano.
To: Neil
Sige, ako na bahala dun sa client. Thank you nga pala tol. Saka na yung burger mo, may kasalanan ka pa sa akin eh, iniwanan mo ako kahapon!
Message Sent
Dumiretso na ako sa The Glass Garden. Sana naman matapos agad yung meeting namin para mapuntahan ko na agad si Kath. Lumapit na ako sa receptionist at tinanong kung saan yung place for meeting at ihinatid niya ako hanggang sa may stairs pababa ng mismong garden. Pababa na sana ako nang biglang may nagtakip ng mga mata ko. Tinatanggal ko yung kamay pero lalo lang humigpit yung pagtakip niya.
“Wag mo nang tanggalin, just go down, aalalayan kita.” sabi nung nagtakip ng mata ko. Parang natatakot naman ako, boses bakla kasi yung nagsalita.
“Saan mo ba ako dadalhin ha?”
“Sa mga kameeting mo. Wag ka nang matanong diyan. Baba na tayo.” hindi na ako nagsalita pa, hinayaan ko na lang siya na i-lead ako. Huminto na rin kami sa paglalakad at tinanggal na niya yung mga kamay niya.
“HAPPY BIRTHDAY DANIEL! SURPRISE!” nagulat ako nang makita ko ang mga kaibigan ko at si Kath.
“Ano tol? Nagustuhan mo ba ang surprise namin sa yo?” nagsalita si Neil na nasa likod ko. Ibig sabihin siya yung parang bakla na nag-akay sa akin pababa dito?
“Walanghiya ka talaga Neil! Akala ko kung sinong bading na yung manghaharass sa akin eh.” hinampas ko siya ng malakas sa balikat.
BINABASA MO ANG
In A Snap
FanfictionKathryn Chandria - "I'm just a girl who dreams of having a simple life and finding true love. But what I didn't know was that everything I used to will change in just a snap." Daniel John - "They said that I've got everything that everyone would eve...