Hayne POV
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. At hindi nga ako nagkakamali, bukas ang makapal na kurtina na nakaharang sa glass window ng aking kwarto. Psh! Who the hell bastard open that window? I hate it, I'm too sleepy. Muli akong pumikit at bumaluktot habang ibinalot muli ang katawan sa kumot.
"Hoy! Bunsoy bumangon ka na dyan! Aba! Hindi porket your old enough ay hindi ka na gigising ng maaga. I mean ng mas maaga sa normal mong gising! Gising!!" saad ng kung sinumang poncio pilato na nasa room ko.
"Psh! Hey, you! Anong ginagawa mo dito sa condo unit ko ha?" inis kong sita sa kanya habang umupo sa kama.
"What did you just called me? Hey, you? Hey, for your info I'm still your Kuya! Did you understand?" wika nya na humalukipkip pa sa harapan ko.
"Whatever. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Ang aga mong mangbulabog, hindi naman kita ginaganyan sa condo unit mo ah. So, tell me what are you doing here?" Mula noong maka graduate kami ni Kuya binilhan kami ni Papa ng tig isang condo unit bilang regalo. At para din daw maging independent kaming dalawa. Same building, magkaiba lang ng palapag.
"I just missed you bunsoy, I want to see you, enough reason na ba yun para pumunta ako dito?"
"Okey, pero pupunta naman tayo sa bahay ah. Mag lulunch tayo with Mama and Papa. So bakit ka pa nandito?"
"Argh! Hindi mo ako naiintindihan, I said namiss kita. Hindi porket matanda kana hindi na kita pwedeng mamiss. At isa pa I missed the old Hayne." seryoso nyang wika.
"The old Hayne? Kuya, we already talked about it. Ayuko ng maging mahina, ayuko ng maapi pang muli that's why I changed."
"Yeah, you've changed a lot. Para ngang hindi na kita kilala." may bahid ng lungkot sa boses nya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi na ako nagdalawang isip pa na yakapin sya. I loved him. Lagi syang andyan para damayan ako besides Faith and Mac. Yes, you read it right. Mackenzie Beltran back in Highschool life. Paano ko sya nakita 5 years ago? 5years ago durog na durog ako. 5years ago sobrang nasasaktan ako. 5years ago yun ang naging dahilan para magbago ako. 5 years ago is the year na gusto ko ng burahin ang taong mga nakilala ko. Paunti-unti bumabalik sa akin ang mga alaalang dapat matagal ko ng kinalimutan.
"Oh? Bakit ka umiiyak? Akala ko ba nagbago kana? Naka move-on kana diba? Ayuko ng makita ka pang umiiyak dahil sa gagong lalaking yun. Sige na, okey lang sa aking magbago kana basta ayokong makita ang mga luha mong muli. Kapag nahihirapan ka, nararamdaman ko din ito diba?" wika ni Kuya sa akin habang pinapahid nya ang mga luha ko.
"M-may naalala lang ako. Yes, naka move-on na ako. Nothing na sya. S-salamat Kuya."
"Ganun ba? O sya, sige na. Bilisan muna, sabay na tayong pumunta sa bahay. I'm sure andun na si Mac. Hihintayin kita sa sala." saad nya saka lumabas ng kwarto ko.
Akala ko wala ng sakit, akala ko naglaho na sila at natabunan na ng aking galit pero bakit nasasaktan pa rin ako tuwing maaalala ko ang pinaka doomed day ng buhay ko? Yung araw na bumalik ako ng Pilipinas para sa birthday nya. Para i surpresa sila, ako pala ang isusurprise nila.
Mabilis kong tinungo ang banyo upang mabilis na maligo. Alam kong nakamove-on na ako pero everytime na maiisip ko I ended up crying again. Yun ang ayaw kong makita ni Kuya, ni Faith at lalo na ni Mac. Matapos magbihis ay lumabas na ako. Ayukong iparamdam kay Kuya na nasasaktan pa rin ako. Great, bukod sa I'm good in lying ay ang galing ko rin plastikin ang sarili ko.
"Let's go Kuya." aya ko sa kanya na nanunuod ng TV.
"Tara.. Parang mas gumaganda ang kapatid ko ngayon ah." sabay akbay sa akin.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...