"H-Hello?" sagot ko sa tawag.
"Hi, si KN ba to?" anang boses ng lalaki. Okey fine. Imposibleng si Naira pa ito dahil lalaki sya.
"Yes..speaking. Who is this?"
"KN!!!! Broww??" sigaw ng tinig sa kabilang linya. Natahimik ako, all those year hinihintay ko syang tawagan ako.
"M-Mac? I-ikaw ba yan? M-Mackenzie B-Beltran?" hindi ko mapigilan pang hindi mapasigaw dahil hindi ako makapaniwala na kausap ko sya.
After ilang years heto sya at nagpaparamdam sa akin. Heto sya at kausap ako.Heto sya at kausap ko hindi talaga ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na Mac is back! Yung ilang taong nawala agad na napunan ng marinig ko ang boses nya. Napakahabang panahon na hindi namin sya nakasama. Mac is my bestfriend since mga bata palang kami. Siya ang bestfriend ko bago ko nakilala sina Arth at Roley.
"Yes.. poging Mac is speaking. Did you missed me KN Brow? Kumusta sila?" tanong pa nito na tila ba nakangiti.
"Argh! Mac!!! Bakit ang tagal mong hindi nagparamdam? Kumusta ka na? Nasaan ka ngayon? Is everything okey? Nakakainis ka!! Magpakita ka na sa amin!!" Hindi ko mapigilang sunud-sunod na itanong.
"Hep! Hep! Isa-isa lang broww. I'm fine, nasa ibang bansa pa ako. Pero magbabakasyon ako dyan sooner with my girlfriend. Mag reunion tayo ha? Miss ko na kayo mga broww. Gusto ko na kayong makita." tugon nya.
"M-May girlfriend ka na? Okey sige magkita tayo. Bilisan mong umuwe! H-Hindi na ako makapaghintay pa." saad ko pa.
Hindi ako makapaniwala na may gf na sya lalo pa at gustong-gusto nya si Naira noon. Anong nangyari sa feelings nya noon para kay Naira? Bigla akong nakaramdam ng inggit, ngayon wala akong maipapakilala sa kanyang girlfriend ko dahil wala naman talaga. Kung kami pa sana ni Naira I will be proud na ipakilala sya sa bestfriend ko kahit na alam kong kilala nya na ito. Kung hindi ko lang nagawa yung noon. Napasuntok nalang ako sa hangin dala ng labis na panghihinayang sa aming nakaraan.
"Yes. She is very beautiful and caring. Sabihin mo nga sa akin KN naiinggit ka nuh? Kumusta na kayo? Kumusta yung dalawang ugok dyan?" Aba! Talagang bully pa rin sya ha. Oo na naiinggit na ako, hindi ko lang kayang isatinig dahil nag matured na ako.
"O-Okey lang k-kami. As usual namimiss kana namin. O-Okey ka lang ba talaga?" pangungulit ko pa.
"Y-Yes okey na okey na ako. Magrereunion nga tayo diba? Kumusta na yung dalawa?" pag-uulit pa nya.
"S-Sigurado ka ba talaga? Yung dalawa ganun pa rin. G-Gusto mo ba silang makausap?" tanong ko.
"Okey na nga ako. Kailan pa nagsimulang maging makulit ang isang Keith Noel Valderama ha? Naging unli kana rin, paulit-ulit! sige-sige pakausap ako sa kanila."
Mula noong nagkahiwalay kami at naputol ang aming relasyon. Gusto ko sanang 'yan ang isagot pero mas pinili ko nalang na tumahimik. Saka ko nalang sasabihin sa kanya ang lahat kapag nasa harapan ko na sya.
"T-Teka lang. Wag mong ibababa ha, papasok ako sa loob. Nandito kami sa bar ni Roley." saad ko na nagsimula ng humakbang papasok ng naturang bar.
"Sige lang broww. Maghihintay ako. Pakikinggan ko ang paghakbang mo. Hahaha-" tawa pa nya.
Goodness! Kailan ko huling narinig ang malulutong nyang tawa? Kailan ko yun huling narinig? Pinilit kong alalahanin ang araw na yun pero ang paulit-ulit lang na lumalabas sa balintataw ko ay ang mukha nilang dalawa ni Naira. Hina-hunting na ba ako ni karma? Kailangan ko na bang makunsensya ng dahil sa katangahan ko? Nakaramdam ako ng pamimigat ng dibdib.
Ayokong maging emotional pero hinihingi ng pagkakataon. Tinanggal ko ang fone sa tainga ko at binilisan ang paghakbang. Hindi na ako makapaghintay pa na ibalita sa dalawa ang aking natuklasan. Pinahid ko rin ang ilang butil ng luha na naglandas sa aking mukha. Isa na akong Doctor at dapat wala akong anumang emosyon na ipakita sa kanila.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...