Chapter 10: I'm Free

411 13 0
                                    

Mahihinang tapik sa balikat ang gumising sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dala ng malalim na iniisip. Nagpalinga-linga ako at kaming dalawa nalang ni Mac ang tao dito.

"We are here Haynebee, parehong hangin noon ng lisanin ko ang lugar na ito." saad nyang may kislap ang mga mata.

"Talaga? Welcome to the Philippines then." wika kong malawak na ngumiti.

"Haha. Tara na labas na tayo, hinihintay na nila tayo sa labas." na ang tinutukoy ay yung mga kasama namin.

"Tara.." tanging saad ko.

Lumabas kami ng eroplanong yun at tinungo ang lugar upang kunin ang mga maleta naming dala. Andun na sina Kuya at hinihintay nalang ang pagdating namin. Nakita kong ang lawak ng ngiti nya, siguro dahil sobrang namiss nya ang bansang aming nilisan anim na taon na ang nakakaraan.

"Kuya? Bakit mukhang masayang-masaya ka? Marami bang alaala ang nagbalik? Aminin may na-mi-mi-ss." saad ko na may halong pang-aalaska.

Ang nais kong ipaalala sa kanya ay yung araw na may nag-iiyakan dito habang hinahatid kami. Hahahaha. Nakita kong biglang sumeryoso ang itsura nya. Nagbago ang kanyang aura. Bakit? Affected pa rin ba sya? Lagot talaga sya sa akin. It's my turn. Bwahaha.

"Hmmp! Tigilan mo nga yang kahibangan mo Hayne, anong alaala? Namimiss? Sino? Tssk! Wala ako nun uy! Tara na nga." tugon nito at mabilis kaming iniwan.

"Ikaw talaga Haynebee. Pinaalala mo pa kay Bayaw. If I know meron ka ring alaala sa lugar na ito." wika nitong hinaplos pa ang buhok ko.

"Ako? Wala akong matandaan." tugon kong kinuha ang maleta. Sa totoo lang pag-apak ko palang dito nagbalik ang lahat sa akin. Nagbalik yung araw na hinatid nila kami, yung araw na halos ayaw nya akong bitawan at pakawalan. Tssk! Ano ba yan, dapat hindi ko na to iniisip ngayon. Dapat kalimutan ko na since niluko naman nila ako. Hindi ko maitatangging nasasabik akong muli syang makita.

"Hayne.. Sino yung tinutukoy mo? Yung nakaraan ng Kuya mo? Ex nya?" usisa ni ate Sandra. How bad ni Kuya bakit hindi nya sinasabi kay ate?

"Ate Sandra pareho nilang Ex na magkapatid yun. Ex ni Bayaw as a lover at Ex ni Haynebee as bestfriend." sagot ni Macky. Ay ang bad! Sya ba ako? I-intro ko na sana ng maganda ayan binulalas nya na.

"Ayt..ang saklap naman nun. Bakit? Paano?" tanong pa nito. Ibubuka ko na sanang muli ang aking bibig para sumagot ng biglang agawin ni Faith ang spotlight sa akin.

"E diba sila ni Kuya Harold at noong babae? Pumunta sila sa Scotland naiwan yung mga gunggong, tapos nakipagbreak yung girl kay Kuya Harold and then bigla nalang hindi pinansin si Hayne ng so called nyang boyfriend, yun pala yung Ex ng Kuya nya na malas na bestfriend nya at yung so called na boyfriend nya ay naglalampungan na ng hindi nila alam. Noong nalaman ni Hayne their love story has to end. Ano pang purpose noon kung basag na basag na yung tiwala maging yung relasyon na meron sila?" litanya ni Faith na may halo ng bitterness. Ako lang ba nakalahata o maging sila?

"Ahh. Ang sakit nga nun, o bakit mukhang ako lang ang hindi nakakaalam?" tanong nito.

"Mas maganda ng hindi mo nalaman ng mas maaga ate Sandra. Hahaha." ngisi ni Mac dito. Rereact palang sana ito ng..

"Hoy ano ba? Wala pa ba kayong planong lumayas dyan? Nagugutom na ako!" Grrrr. Bumalik sa dati tong si Kuya. Sarap batuhin ng maleta kung hindi ko lang sya love.

"Oo na, andyan na!" kuro naming sagot sa kanya na mabilis hinagilap ang mga gamit.

Paglabas namin ng airport ay may van ng naghihintay sa amin. Nag take-out nalang kami ng foods at sa van kinain. Gusto pa sanang mag dine-in ni Kuya kaya lang hindi sya pinayagan ng mga kasama namin dahil pagud sila sa byahe. Hapon na halos ng sapitin namin ang beach na matagal-tagal kong hindi nakita. Nagmamadali akong lumabas ng van at saka mabilis na hinubad ang suot na sapatos. Namiss ko ang mga ganitong lugar na halos wala sa Scotland. Nagtatakbo ako sa buhanginan na parang isang maliit na bata.

Taste of Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon