"Hayne halika.. Maupo tayong dalawa, may sasabihin ako sa'yong sekreto. Sana atin lang to ha, ayokong mapahamak ka ng dahil dito. Hindi ko dapat ito sasabihin sa'yo pero dahil naging malapit na tayo sa isa't-isa kaya sasabihin ko na rin para lubos mong maintindihan." simula nya.
Anong meron? May sakit rin ba sya? Karugtong ba ng buhay ni Mac ang buhay nya? Sumunod nalang ako sa sinabi nyang maupo.
"You need to understand na ang buhay ng tao ay hindi permanente dito. Natatapos ito at may katapusan ang lahat. Hindi naman porket aalis na sa mundong ito si Mac ay mawawalan ka na rin ng pag-asang mabuhay. Ang lagi mo lang tatandaan na balang-araw muli kayong magkikita. Kung saan wala ng sakit na mararamdaman."
"A-Anong ibig mong sabihin Faith?" sa totoo lang wala kong naiintindihan. Hindi ko maintindihan.
"Hayne.." sabay buntong hininga nya ng malalim.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa labis na kaba, ano to? Tuluyan na bang madudurog muli yung puso ko? Before si KN at Roina ang gumawa nito sa akin at ngayong okey na ako, masasabi kong matatag na ako may mang-iiwan na naman sa akin? Iiwanan na naman ako for good? It can't be. Ayuko na, ayukong maulit yung sakit noon o mas masakit pa sa noon.
"Hayne, panahon na para aminin ko ang lahat sayo. I'm.. I'm not an ordinary person, hindi ako isang tao. Nag-anyong tao lang ako for some purpose sa buhay ninyo."
What? She's not human? Eh ano sya? Mataman lang akong nakatitig sa kanya. Kung hindi sya isang tao kaninong mukha yung nakikita ko?
"Okey, ganto. Patapusin mo muna ako sa lahat ng sasabihin ko ha. Wag kang magrereact, tahimik ka lang. Ikukuwento ko ang lahat." saad pa nya. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumango habang nakatingin pa rin sa kanya.
"I'm Mac's guardian angel. Isa akong anghel dela guwardiya ng mga tao. Ginagabayan ko ang mga taong nakasulat sa aking palad. Mula pagkabata ako na ang nagbabantay sa mga ito, mula noong nasa sinapupunan palang sila ng kanilang mga ina at isa na doon si Mac. Ang mga anghel na tulad ko ay hindi nakikita ng mga tao, nasa desisyon yun ni Bathala kaya nakita nyo ako. Noong nagkasakit si Mac, pinababa ako mula sa kaharian sa langit upang bigyan ng lakas si Mac." wika nito na bahagya pang huminto sa pagsasalita. Panaginip ba to? Hindi ako makapaniwala.
"Ang pagkikita natin ay hindi aksidente, nakatadhana ito dahil ako ang mag le-lead sayo patungo sa kinaroroonan ni Mac upang muli kayong magkita. Naniniwala si Bathala na anumang sakit ay kayang magamot ng pagmamahal. Pinagtagpo ko kayong dalawa dahil nais kong gamutin nyo ang isa't-isa. Nasaktan ka noon because of your past lovers and naghihirap naman si Mac sa sakit nya. I was happy noong dumaan ang ilang taon na omo okey na sya. I feel relieved, sabi ko noon nakakagamot talaga ang pagmamahal ng mga tao pero I was shocked noong naging malinaw sa akin ang lahat. Mac is sick again and this time, he was really sick. Ang buong akala ko makakabalik na ako sa mundo namin, pero hindi pala. Sa oras na lisanin ni Mac ang mundong ito, maging ako ay maglalaho na rin. Lahat ng gamit ko dito, lahat ng mga bagay na may konektado sa akin ay maglalaho nalang sa kawalan maging ang mga alaala ko ay unti-unti nyong makakalimutan hanggang sa hindi nyo na ako maalala pa. I lied na nasa abroad ang parents ko dahil that was the plan. So all in all I'm an angel at hindi ako normal na tao. I'm just here for a mission." dugtong pa nya.
Agad akong napatayo sa sinabi nya at patakbo ko syang niyakap habang malakas na umiiyak. All this time, hindi ko nahalata na hindi sya normal. Nakilala ko sya for a reason, minahal ko sya bilang kaibigan at napamahal na sya sa akin ng sobra. Kapatid ko na sya kung ituring. Kaya pala sa haba ng taon naming magkakilala ay ni hindi ko nakilala ang parents nya dahil wala pala talaga sya nito. Kaya pala lahat ng subject sa school alam na alam nya dahil anghel sya. At kaya pala minsan napaka mesteryoso ng mga sinasabi nya dahil isa syang anghel. Isa syang nilalang na akala ko hindi nag e-exist sa mundo. Mali ako, and now malapit na syang maglaho kasama ni Mac. Kaya ba nasa airport sya noong bumalik ako noon ng Scotland na luhaan galing ng Pilipinas dahil alam nyang nasaktan ako at kaylangan ko ng karamay? Mas nilakasan ko pa ang iyak habang mahigpit na nakayakap pa rin sa kanya.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomansaPagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...