Napatda ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam na sa lahat ng lugar ay dito ko pa sya matatagpuan. Sa lugar kung saan hindi ko sya inaasahang makikita. Sabi nga nila "Expect the unexpected" at yun nga ang nangyayari ngayon. Pinagmasdan ko ang seryoso niyang mukha na matamang nakatitig sa madilim na dagat. Ano kayang ginagawa niya dito sa ganitong oras? Well, malamang nagpapahangin sya or nagpapalipas oras. Baka naman gusto niya lang mapag-isa. Kung anuman ang dahilan niya kung bakit sya nandito wala na akong pakialam doon at dapat hindi ko na rin alamin pa yun. Patalikod na sana ako at handa na syang iwan ng bigla syang lumingon sa kinaroroonan ko at tinawag ang aking pangalan.
"N-Naira.." sambit niya sa pangalan ko. Ilang taon? Limang taon kong hindi narinig ang boses niya na tawagin ang pangalan ko pero may kakaiba pa rin akong nararamdaman sa ginawa niya. Parang kahapon lang, parang kahapon lang yung araw na ako pa ang nag-iisang taong mahal niya.
Nilingon ko sya at nakita ko ang mukha niyang punung-puno ng emosyon. Emosyong puro kalungkutan lang at ni katiting na kasiyahan ay wala sya. Ibubukas ko na sana ang aking bibig para batiin man lang sya nang bigla syang tumayo at lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap at doon malakas syang humagulgol ng iyak habang paulit-ulit na sinasambit ang mga katagang paulit-ulit na nagpapaalala sa akin ng mapait naming nakaraan.
"I-I'm sorry N-Naira.. S-Sorry talaga. S-Sorry sa mga nagawa ko sa'yo. S-Sorry dahil nasaktan kita. S-Sorry.. S-Sorry." sambit niya habang patuloy na umiiyak.
Siguro kung nasaktan man ako noon sa ginawa nila I bet sa ngayon sya naman yung higit na nasasaktan dahil sa ginawa niyang pagkakamali noon. Para akong tuod na itinulos sa aking kinatatayuan, ang lalaking minahal ko noon five years ago ay yakap ako ngayon at paulit-ulit na nag so-sorry sa akin dahil sa ginawa niya. Sa hindi ko malamang dahilan ay napayakap na rin ako sa kanya. Marahan kong hinaplos ang likod niya, baka sa pamamagitan nito tumigil na sya. Pero sa halip na tumigil ay lalo pa syang umiyak dahil sa ginawa ko.
"K-KN.. T-Tama na. Tahan na." sambit ko na halos pabulong lang. Pakiramdam ko anumang oras ay iiyak na rin ako. Sa kabila ng nangyari sa aming dalawa mahal ko pa rin sya, sya pa rin yung lalaking nilalaman ng aking puso. At ayaw kong makita syang nagkakaganito.
"S-Sorry N-Naira.. S-Sorry.. S-Sorry.." sambit pa niya na dahan-dahang lumuhod sa aking harapan na labis kong ikinagulat. Pinagdaop pa niya ang kanyang dalawang kamay at matamang nakatitig sa akin.
"Sorry.. P-Patawarin mo ako. Sorry.." saad pa niya.
"K-KN.. T-Tumayo ka. Wala kang kailangang ikahingi ng tawad. Tapos na yun." mahinang sambit ko.
Alam kong mali ang sinabi ko, dapat ngayon nagwawala ako sa galit dahil ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking niloko ako at pinagmukhang tanga few years ago. Kinapa ko ang aking sarili at ni katiting na galit wala man lang akong maramdaman.
Nasaan na? Nasaan ang emosyon ko noon? Nasaan na ang galit ko noon? Nasaan na? Bakit biglang naglaho? Bakit wala na akong maramdamang galit? Dahil ba namanhid na ako? Dahil ba immune na ako sa sakit? Dapat sinasapak ko na sya ngayon! Dapat sinasaktan ko na sya ngayon. Nabalik lang ako sa realidad ng muli kong maramdaman ang kanyang mga yakap. This time hindi na sya umiiyak pero ramdam ko pa rin ang mabigat niyang emosyon.
"N-Naira.. P-Patawad.. Patawarin mo ako. I-I'm sorry." saad pa niya habang mahigpit pa rin akong yakap at ramdam ko ang mainit na likidong bumabagsak mula sa dalawang mata niya.
"K-Kalimutan muna yun dahil ako matagal ko ng kinalimutan ang pangyayaring yun." tugon ko sa mahinahong boses. Oh come on. Sinong niloloko ko? Sarili ko diba?
Kanina lang galit na galit ako kay Roina dahil sa explanation niya tapos ngayon basta ko nalang patatawarin ang isa pang nilalang na naging dahilan ng aking pag-iyak noon? I must be kidding myself. Muli akong nabalik sa katinuan ng kumalas sya sa akin ng yakap. Naramdaman ko ring hinawakan niya ang aking kamay sabay hila sa akin patungo sa putol na troso at magkatabing naupo paharap sa dagat.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...