Chapter 6: Doctor's emotion

482 16 0
                                    

KN POV

Limang taon, limang malulungkot na taon ang nagdaan. Wala na akong naging balita pa kay Naira mula ng umalis ito. Kinokontak ko ang number nya na ibinigay ni Yaya Hasmin sa akin noon pero I ended up na pakinggan lang yung boses nya hanggang sa hindi ko na tuluyang ma reach. Anim na taon na wala kaming contact kay Mac, hindi namin alam kung ano na bang nangyari sa kanya.

Hinayaan ko silang dalawa ni Naira na mawala sa akin. We are now matured lalo na ako. May kanya-kanya na rin kaming trabaho. Si Roley na nagmamanage ng mga Bars at Restaurants nya. Si Christa isang fashion designer. Hindi nagwork yung relasyon nilang dalawa ni Roley kahit pa paulit-ulit nila itong isinasalba, wala talaga. Wala na silang sparks tulad ng dati.

Si Arth seryoso ng naghahandle ng mga Hotels nila. Yun nga lang nananatiling single pa rin, pag tatanungin ko sya anong hinihintay lagi nyang isasagot si Naira daw ang hinihintay nya at hindi sya mag-aasawa hangga't hindi ito nagpapakasal. Ang tindi talaga, I know hindi sya nagbibiro doon at hindi lang sya nang-aasar. He mean what he say. At ako? Wala ako pa rin yung dating KN noon.

Nakatapos ako ng pag-aaral bilang isang doctor. May sarili na rin akong ilang Hospitals na pag-aari. Bakit ako nag doctor? Simple. Gusto ni Naira noong maging isang Doctor kaya ito ang kinuha ko. Baka sakaling magkita kami sa isang Hospital ng hindi inaasahan.

Gusto ko ring gamutin si Mac oras na makita ko sya kung sakaling hindi pa rin sya magaling. I want to help him, gusto kong bumawi sa kanya. Lumipas ang limang taon na nakamukmok ako sa bahay, nakatulala sa harden ni Mom, nakanganga sa mga larawan naming dalawa. At umiiyak habang inaalala ang nakaraan naming dalawa.

Lagi rin akong binubuntutan ni Veron kahit alam nyang hindi ko naman talaga sya mahal. Hindi sya nagsasawa kahit na alam nyang wala talaga syang mapapala sa akin. Para daw makasama ako ayun nag-aral para maging isang Doctor ng kasama daw nya ako, alam kong hindi nya yun hilig pero hindi ko naman sya pinilit na maging isang doctor.

Kahit na patuloy ko syang ni-rereject hindi pa rin sya nagsasawa. Wala na akong magagawa doon, ang sabi ko nalang hanggang kaibigan lang kami. Handa naman daw syang maghintay sa akin hanggang sa mahalin ko syang muli. Hindi ko naman talaga sya minahal, dala lang yun ng labis na lungkot.

"Dr.KN ano na namang iniisip mo?" untag sa akin ni Roley.

Sunday ngayon at every sunday nagkikita kaming tatlo. Magtatambay kami sa bahay, kila Roley at Arth. Ngayon nandito sila sa opisina ko dahil may mga pasyente ako ngayon. Mag ro-round ako at may mga titingnan. Mas masaya sana ngayon kung nandito si Mac, si Mac nalang ang kulang.

"Wala naman Boss Roley, naiisip ko lang si Mac. Kumusta na kaya yun? Tapos na rin kaya sya ng College? Anong course?" tugon ko.

"Uh.uh. I hate dramas ha. Tigilan nyo na yan." kontra ni Arth.

"Kaw naman Sir Arth, six years na. Six year na ang nakakalipas ng huli natin syang makita. Totoy pa nga noon ang Mackenzie na yun eh." ngisi ni Roley na abalang kumakain ng pizza. Wala pa ring pinagbago to, lamon pa rin ng lamon.

"Naku Roley tigilan mo nga ako. Kung okey na yun magpapakita yun sa atin. Kung okey na yun sya na yung kusang tatawag sa atin." ayan na, sungit na naman ni Arth.

"Para kang menupausal Arth. Para napagkwe-kwentuhan lang eh. Ang hard mo sa akin." tugon nito sabay lunok sa isang slice ng pizza.

"Si Mine nalang ang pag-usapan natin. Kumusta na kaya sya ngayon? Siguro beautiful young lady na ngayon yun. 5years, ang bilis ng 5years nuh? Miss ko na sya. Kailan kaya sya ulit babakasyon dito?" ngisi pa nitong wika.

Ako naman yung umasim yung mukha. Tuwing babanggitin nila si Naira. Nakokonsensya ako, napapaisip ako, nagsisisi ako, nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na lungkot. Haaay. I missed her.

Taste of Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon